Si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados talaga ang nagwagi ng Best National Costume sa Miss Universe 2019.
Ito ang nakasaad sa pinakahuling tweet ng Miss Universe Organization (MUO), kung saan kinumpirma nila ang naunang in-announce ng host na si Steve Harvey sa live presentation ng Miss Universe 2019.
Ginanap ang grand coronation sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA, Linggo ng gabi, December 8 (Lunes ng umaga, December 9, sa Pilipinas).
Tweet ng Miss Universe account: “@IAmSteveHarvey had it right: Miss Universe Philippines Gazini Ganados is the winner of the #MissUniverse2019 National Costume competition! Congratulations, Gazini.”
Nagkaroon ng kalituhan kung sino ang nanalo ng Best National Costume dahil pagkatapos ipakita sa screen ang larawan ni Gazini suot ang kanyang Philippine Eagle-inspired national costume, ang katabing kandidata ni Harvey ay si Miss Malaysia.
Ipinaliwanag naman ni Steve na iba ang nakalagay sa teleprompter kaya iyon ang binasa niya.
Nangyari na rin ito kay Steve noong Miss Universe 2015, kung saan ang nakalagay sa prompter na nanalo bilang bagong Miss Universe ay ang kandidata mula sa Colombia na si Ariadna Gutierrez samantalang sa envelope ay ang nakalagay ay si Pia Wurtzbach ng Pilipinas.
Bumalik noon si Steve sa stage makalipas ang ilang sandali upang ianunsiyong si Pia ang tunay na nagwagi bilang Miss Universe.
NETIZENS SLAMS MUO’S UNPROFESSIONALISM
Ikinagalit ng maraming netizens, Pilipino man o Malaysian, ang rebelasyong ito ng Miss Universe Organization.
Narito ang ilan sa kanilang reaksiyon:
Burado na ang naunang tweet ng Miss Universe Organization na si Miss Malaysia ang ibinoto upang magwagi sa Best National Costume competition.

