Hindi napigilan ng aktres na si Nathalie Hart na maging emosyunal nang tanungin siya tungkol sa estado ng kanyang love life sa panayam nito kay Boy Abunda sa programa nitong Tonight With Boy Abunda noong Huwebes, December 5.
Ayon kay Nathalie, naghiwalay na sila ng kanyang boyfried, na siya ring tatay ng kanyang anak.
Nitong February unang ipinakilala ni Nathalie sa kanyang social media ang kanyang baby girl na si Penelope.
Aniya, "We have separated our ways na."
Nang tanungin kung ano ang dahilan ng kanilang breakup, sagot nito, "It's okay. I think it's personal differences. It wasn't working, it wasn't a happy home.
"And It's better for us to have separate lives for my daughter to have a happy environment."
Sa ngayon, naka-focus muna si Nathalie sa kanyang sarili at sa kanyang anak.
Patuloy niya, "I'm still healing. I just thought na ito yung tao para sa akin talaga.
"For me, I just want to put all my time for my daughter talaga.
"If there's no communication in the relationship, parang nagsasayang lang kayo ng oras talaga."
MUTUAL DECISION
Tinanong rin ni Boy kung naging mutual ang desisyon ng dalawa sa kanilang paghihiwalay.
Pahayag ni Nathalie, "Yes, it was. There's no unity in the relationship and I wanted to be respected.
"I wanted to be loved the way I love that person. Gusto ko ganun, pero hindi iyun ang nakikita ko.
"You know, he is the father of my child, I love him, and that's it for now."
CULTURAL DIFFERENCES
Sa isang pocket press conference nitong nakaraang buwan, unang itinanggi ni Nathalie na hiwalay na sila ng boyfriend nitong Indian businessman na kalauna'y pinangalanan niyang Mayank Sharma.
"Siguro I decided to come back to the Philippines kasi, e.
"It’s not my lifestyle to, yun nga, stay at home and everything.
"Kasi nga, at saka nahihirapan din ako sa culture nila. Ang culture kasi nila, kapag asawa ka, bahay ka lang, sa India po.
"Ano sila, tipong makaluma. So, kailangan kapag kasal ka sa kanila, bahay ka lang. Mag-asikaso ka ng anak mo. Mag-ayos ka ng... maglinis ka ng bahay."
Paglilinaw pa ni Nathalie, "Hindi naman ako bumalik ng Pilipinas dahil hiniwalayan ako. Nothing naman like that.
"Pero bumalik lang ako kasi kailangan kong tapusin ‘tong pelikula na ‘to dahil I have no choice. Napirmahan ko yung kontrata."
Ang pelikulang tinutuloy niya ay ang Barbara Reimagined na idinirek ni Benedict Mique para sa iWant, and digital streaming service ng ABS-CBN.
Sa ngayon, nasa India raw si Mayank upang tapusin ang kanyang master's degree.
Noong February 2018 unang kinumpirma ni Nathalie ang relasyon nito sa kanyang Indian boyfriend.
Noong July 2018 naman, sa pocket presscon ng pelikulang Kusina Kings, ibinahagi ni Nathalie ang pagbubuntis niya sa kanyang unang anak
