“Super excited” si Derek Ramsay na makita ang isisilang na baby girl ni Solenn Heussaff.
Ito ang sinabi ng 42-anyos na aktor sa dating nobya, na nagkomento sa announcement post nila ng current girlfriend niyang si Andrea Torres.
Huwebes, December 5, nang i-post ni Derek sa Instagram ang video ng “big announcement” nila ni Andrea, 29 anyos.
Magkasamang inihayag ng magkasintahan sa kanilang fans na magkakaroon na sila ng YouTube channel “because we want to share with you our relationship and give back for the love and support that you give us.”
Caption ni Derek: “HERE IT IS!!! Our big announcement!
“I asked Andrea if we should start a Youtube channel so that ALL OF YOU can be part of our journey in life, AND SHE SAID YES!
“We hope to get all of your support on this new chapter of our lives!
“Nothing scripted, no planning, all 100% real. Much love (heart emoji).”
SOLENN COMMENTS
Sa video, naka-tatlong take si Derek sa pagbitaw ng intro habang tawang-tawa sa kanya si Andrea.
Aliw na aliw naman ang shippers nina Derek at Andrea, na natuwa sa announcement ng mga bida ng dating Kapuso teleserye na The Other Woman.
Si Solenn, 34, napakomento ng “Cuticles,” na ang ibig sabihin ay cute ang couple para sa kanya.
Sinagot siya ni Derek: “@solenn super excited to see your baby angel”

Sa January manganganak si Solenn sa first baby nila ng asawang si Nico Bolzico.
THE MOST MEMORABLE EX
Tatlong taong naging magkasintahan sina Solenn at Derek, na nagkahiwalay noong 2006.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Solenn noong 2014, sinabi niyang hindi na sila nag-usap ni Derek pagkatapos magkahiwalay.
Gayunman, nagkasama sila sa pelikulang Love Is Blind noong 2015.
Sa magkahiwalay na interviews kina Derek at Solenn nang taong iyon, kapwa nila sinabi na may "special place" sa puso nila ang bawat isa.
Para kay Derek, si Solenn ang may pinakamalaking epekto sa kanyang buhay, dahil na rin sa marami nilang pagkakapareho ng mga hilig pati na ang pagiging "half-Filipino, half European" nila.
Sa panayam ng PEP.ph kay Solenn noong November 2015, sinabi niyang si Derek “will always be a part of my life,” dahil first love niya ang actor-athlete.
