PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Businesswoman Kathelyn Dupaya insists she doesn't owe Ynez Veneracion money

Kathelyn Dupaya: “ni piso wala ako atraso sa Ynez Veneracion na yan”
by Jet Hitosis
Published Nov 19, 2019
Businesswoman Kathelyn Dupaya (left) denies being arrested for estafa, claiming that she was not aware about the estafa case that Ynez Veneracion (right) filed against her: “ni piso wala ako atraso sa Ynez Veneracion na yan.”
PHOTO/S: Dupaya dela Cruz Kathelyn on Facebook, @ynez_veneracion888 on Instagram

Nanindigan ang negosyanteng si Kathelyn Dupaya na wala siyang pagkakautang “ni piso” sa aktres na si Ynez Veneracion.

Ito ay kaugnay ng kasong estafa na isinampa ni Ynez bunsod ng P260,000 na hindi pa umano nababayaran ni Kathelyn sa aktres.

Sa Facebook post ni Kathelyn ngayong Martes, November 19, iginiit ng negosyanteng nabayaran na niya ang P260,000 na hinahabol ni Ynez sa kanya.

Post ni Kathelyn, na nakabase sa Brunei (published as is): “[Ni] piso wala ako atraso sa Ynez Veneracion na yan na sinasabi niya 260k mahiya naman sa sarili mo bayad ako lahat sau milyon pa kinita mo sa akin.”

Paliwanag pa ng negosyanteng malapit sa ilang local celebrity, “[Para] sa kaalaman ng lahat ang binigay share ni ynes veneracion ay galing din sa akin mga bigay bigay ko sa kanya bawat punta niya sa brunei higit pa sa claims niya at alam niya sa sarili niya bayad ako sa kanya lahat capital at tubo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napaulat kahapon dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na, ayon kay Ynez, bago niya sinampahan ng kaso si Kathelyn ay nagbayad na ang negosyante sa kanya ng P200,000, kaya P60,000 pa ang balanse nito sa aktres, bagay na itinanggi ni Kathelyn.

Wala raw natitirang utang si Kathelyn kay Ynez.

Ayon kay Kathelyn, ni wala siyang natatanggap na kopya ng court order o subpoena para sa isinampang kaso ni Ynez laban sa kanya.

Dahil daw dito, nabigo siyang makasagot sa reklamo ni Ynez, kaya umusad nang umusad ang kaso, hanggang sa naisyuhan na siya ng arrest warrant.

Giit ng negosyante sa kanyang post: “[Nag] sampa sila case wala ako na received order or subpoena kaya umakyat kaso kasi hindi ko nasagot ang complains nila until today nov 19 wala ako natanggap di ko man lang naipag tanggol sarili ko.”

Nang hingan ngayong Martes si Ynez ng pahayag sa paliwanag ni Kathelyn, nanindigan ang kampo ng singer-actress na alam ng negosyante ang tungkol sa kasong estafa at maging ang warrant of arrest na inilabas ng korte laban dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KATHELYN Makes distinction between being arrested and surrendering

Sa ulat ng PEP.ph nitong Nobyembre 19, nakasaad na kusang sumuko sa mga awtoridad ang negosyante nitong November 14 kaugnay ng kinahaharap na kaso.

Inilathala rin sa naturang report ang kopya ng warrant of arrest na pirmado ni MTC Branch 87 Presiding Judge Leilani Marie Dacanay-Grimares, na may petsang October 28, 2019.

Ayon kay Kathelyn, hindi masasabing inaresto siya ng Parañaque police dahil kusa siyang nagtungo sa Parañaque MTC Branch 87 upang magpiyansa.

Paliwanag ni Kathelyn sa kanyang post: “nagulat ako may nag sabi sa paranaque court may warrant ako then agad ako nag punta sa paranaque to verify at nag bail ako ng sarili ko NO ARRESTING naganap.’’

“FOR WHAT AKO TATAKAS?”

Pinabulaanan din ni Kathelyn ang naiulat sa PEP.ph ngayong umaga na nagtangka siyang bumiyahe palabas ng bansa.

Post ni Kathelyn: “wala ako tangka tumakas or pumunta ng malaysia for what ako tatakas”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglilinaw pa niya, sinagot na ng kanyang abogado ang isa pang petisyon, galing naman sa kapwa negosyanteng si Joel Cruz, para sa isang Hold Departure Order, na pipigil sa kanyang makalabas ng Pilipinas.

Ang order ay bunsod ng nauna at hiwalay na kaso ng estafa na isinampa ni Joel kay Kathelyn, dahil sa umano’y P40 million pang utang ni Kathelyn kay Joel.

Sa parehong post, sa ikaanim na punto ng kanyang pagpapaliwanag, nakasaad ang “joel cruz case DiSMISSED."

Nagpadala ng kopya ng dismissal order ng korte si Kathelyn sa PEP.ph, at dito'y kumpirmadong naibasura na ang kasong estafa na isinampa ni Joel laban sa kanya.

Ayon pa kay Kathelyn, siya mismo ang nagpagawa ng mugshot nito dahil “ganito ang requirement.”

Kinuwestiyon ng negosyante kung paano nakakuha ang PEP.ph ng kopya ng kanyang mugshot—isang public document—mula sa clerk of court.

[Ed's Note: Ang mugshot ay karaniwang ginagawa sa himpilan ng Philippine National Police (PNP) bilang bahagi ng documentation ng kaso, na isinusumite naman ng pulisya sa korteng dumidinig sa asunto. Nakasaad sa Standard Operating Procedure on the Booking of Arrested Suspects ng PNP, "In high profile cases, mugshots may also be published by the media."]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KATHELYN CHALLENGES YNEZ

Sa huli, binalikan ni Kathelyn si Ynez at hinamong dalhin sa korte ang “lahat evidence mo ha na di ako bayad.”

Sinundan ni Kathelyn ang mahabang post niya ng magkakasunod na Facebook status (published as is):

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpadala ang PEP.ph kay Kathelyn ng private message sa Facebook para sa karagdagang paglilinaw sa ipinost niyang mga pahayag.

Walang naging tugon ang negosyante hanggang sa mailathala ang report na ito.

CASES AGAINST KATHELYN

Iginiit ng kampo ni Ynez na ang hinahabol nila kay Kathelyn ay aabot sa mahigit P7 million na sinisingil ng kaibigan ni Ynez na si Susan Ortega.

Sina Ynez at Susan ang complainants sa kasong estafa kontra kay Kathelyn.

Bukod sa estafa, naghain din si Ynez ng kasong cyber libel sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) noong June 2018 laban kay Kathelyn.

Samantala, may hiwalay na grave oral defamation na isinampa si Joel Cruz sa Manila Prosecutor’s Office noong June 2018 laban kay Kathelyn.

September 20, 2018 nang arestuhin ng Taguig City Police si Kathelyn kaugnay ng kaso niya kay Joel.

Bukod pa rito, may kaso ng estafa na inihain si Joel sa Quezon City court noong May 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businesswoman Kathelyn Dupaya (left) denies being arrested for estafa, claiming that she was not aware about the estafa case that Ynez Veneracion (right) filed against her: “ni piso wala ako atraso sa Ynez Veneracion na yan.”
PHOTO/S: Dupaya dela Cruz Kathelyn on Facebook, @ynez_veneracion888 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results