Matapos tanungin tungkol sa magiging tsansa ng kinatawan ng Pilipinas ngayon sa Miss Universe 2019 pageant na si Gazini Ganados, excited na naikuwento ni Catriona Gray kung sino ang gagawa ng isusuot niyang gown kapag nag-turn over na siya ng korona sa susunod sa kanyang Miss Universe.
Samantala, tinanong si Catriona kung ano ang masasabi niya sa madalas na pag-like ni Asia's Multimedia Star Alden Richards sa kanyang mga Instagram posts.
Sa isang interview, aminado si Alden na hangang-hanga siya kay Catriona at gusto niya itong makilala.