PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis recounts encounter with Korean star Gong Yoo

Anne Curtis describes Korean star Gong Yoo as "very, very nice."
by Bernie V. Franco
Published Nov 4, 2019
Anne Curtis on Korean superstar Gong Yoo: “He was very, very nice."
PHOTO/S: Noel Orsal / @previewph on Instagram

Hindi maitago ni Anne Curtis, 34, ang kilig nang ikuwento ang katuparan ng kanyang pangarap na makaharap ang Korean actor na si Gong Yoo, 40.

“Ang saya…” matinis na sabi ni Anne sa episode ng It’s Showtime ngayong Lunes, November 4.

“Dalaga talaga ako… sobra akong saya, as in.

“As in na-meet ko na kasi si Gong Yoo in the flesh.”

Nagkita sina Anne at Gong Yoo sa store opening ng Louis Vuitton Maison sa Seoul, South Korea noong October 30, Miyerkules.

Mabilis na kumalat sa social media ang video ng pagkikita nina Anne at Gong Yoo matapos itong ma-upload sa Instagram.

Mapapanood ang pagkakamay ng dalawa at pakikipag-usap ni Anne sa Korean actor.

Maririnig din ang request ni Anne kay Gong Yoo na magpa-picture silang dalawa, at malugod naman siyang pinagbigyan nito.

Nagpasalamat si Anne kay Gong Yoo matapos siyang pagbigyan nito.

Kabilang sa mga sumikat na proyektong ginawa ni Gong Yoo ay ang drama series na Coffee Prince (2007) at Goblin (2016-2017), at ang blockbuster movie na Train to Busan (2016).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CLOSE ENCOUNTER

Sa It's Showtime kanina, ikinuwento ni Anne sa paghaharap nila ng hinahangaang Korean actor.

Aniya, “So eto na talaga, as in yung moment…

“Alam mo yung pagka-faney ko talaga, pinigilan ko.

“Di ba, napakataas ng tinis ng boses ko, ganito lang ako magsalita," sabay pagbaba ng boses ni Anne, "‘Hello, it’s so nice to meet you. I’m from the Philippines. I’m a huge fan. Can I take a photo?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilarawan pa ni Anne si Gong Yoo na “mabait.”

Bagamat istrikto raw ang Koreans pagdating sa kanilang mga artista, suwerte raw si Anne na naging madali ang paglapit niya kay Gong Yoo.

Aniya, “He was very, very nice.

“Siguro kasi it was a very intimate gathering.”

Binanggit pa ni Anne na ang event ay dinaluhan din ng Hollywood stars kagaya nina Alicia Vikander na bumida sa Tomb Raider (2018), Jason Bourne (2016), at The Danish Girl (2015); at si Chloe Grace Moretz na itinampok sa The 5th Wave (2016), The Equalizer (2014), at Carrie (2013).

ANNE’S JOURNEY TO MEETING GONG YOO

Matagal ang naging journey ni Anne bago natupad ang pangarap niyang makaharap si Gong Yoo.

Sa katunayan, noong May 2017 ay sumama pa siya kay Kim Atienza sa Hong Kong sa pag-asang makaharap ang Korean actor, pero hindi nangyari.

“Nagpanggap pa ‘yang staff ng Matanglawin para makita si Gong Yoo,” kuwento ni Kuya Kim.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pumunta ang staff ng Matanglawin sa Hong Kong kung saan nataon namang may fan meet doon ni Gong Yoo.

Na-interview ni Kuya Kim ang Korean actor.

Nabigyan din siya ng pagkakataong magpa-picture kasama si Gong Yoo, pero hindi si Anne.

Nag-tweet pa noon si Anne.

Aniya, “Diba? Ang sakit sakit sa heart ng selfie ni Kuya Kim? Durog ung puso ko girls.

"Pero the moment I saw him walk through the doors in all white. My, bawi na ang lahat! Never had I imagined I would see him in person.”

Ipinost pa noon ni Anne ang picture ng ID na ipina-autograph ni Kuya Kim para sa kanya bilang souvenir dahil hindi nga nagawang makapagpa-picture ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anne Curtis on Korean superstar Gong Yoo: “He was very, very nice."
PHOTO/S: Noel Orsal / @previewph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results