PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban takes a swipe at Carlo Aquino amid falling-out

Angelica Panganiban alludes to bad blood with Carlo Aquino in her exchange with netizens.
by Rachelle Siazon
Published Nov 4, 2019
Angelica Panganiban alludes to bad blood with Carlo Aquino in her exchange with netizens.
PHOTO/S: @iamangelicap / @joshenvahnlee via @jose_liwanag Instagram

Diretsahang pinatutsadahan ni Angelica Panganiban ang ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino.

Kaugnay ito ng isyung pinaasa umano ni Carlo si Angelica na mauuwi ulit sa totohanang relasyon ang pagbabalik-tambalan nila sa pelikula noong 2018.

Sa kanyang Instagram post noong October 31, ibinahagi ni Angelica ang group photo nila ng mga kaanak niyang nagbakasyon sa Rome, Italy.

Inilarawan niya ang mga ito bilang mga "natitirang matitinong Aquino na mahal na mahal ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakaligtas sa netizens ang tila patama ni Angelica kay Carlo, na hindi pasok sa itinuturing niyang "matitinong Aquino."

Sa comments section, sabi ng isang netizen: "Ang pagmamahal ni Angge hindi basta-basta nauubos pero ang matitinong AQUINO konting-konti na lang.... ganun?"

Halos kahawig iyon ng linyang sinabi ni Angelica kay Dingdong Dantes sa pelikulang One More Try (2012): "Ang pera natin hindi basta-basta nauubos.... Pero ang pasensiya ko, konting-konti na lang."

Napatawa si Angelica sa komento ng netizen dahil natumbok nito ang parinig niya kay Carlo.

Sagot ni Angelica (published as is), "_@iamdeanroll_ ang witty mo :)"

Isa pang netizen ang nagpangalan kay Carlo na hindi kasali sa matitinong AQUINO na sinasabi ni Angelica.

"Carlo aquino left the group," saad ng netizen.

Prangkang sagot ni Angelica, "@nov55555 matagal na niyang ginawa :)"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELICA AND CARLO'S RIFT

Noong nakaraang buwan, naungkat ang alitan nina Carlo at Angelica nang aminin ng binata na hindi niya napanindigan kung anuman ang namagitan sa kanila ng aktres sa loob ng isang taong madalas silang nagkakasama on and off cam.

Kasabay nito ay inihayag ni Carlo ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend niyang si Trina Candaza.

Si Trina ang babaeng namataang kasama ni Carlo na nagbabakasyon sa La Union dalawang linggo matapos mamataang nagdiwang ng Pasko ang aktor sa bahay ni Angelica.

Kasunod nga noon ay tinuldukan ni Angelica ang pagiging magkaibigan nila ni Carlo dahil sobrang na-disappoint daw siya sa aktor.

Noong July 2019, nagsalita rin si Angelica na matapos ang pinagdaanan niya ay hindi siya sang-ayon na mabuo ulit kahit man lang onscreen ang team-up nila ni Carlo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban alludes to bad blood with Carlo Aquino in her exchange with netizens.
PHOTO/S: @iamangelicap / @joshenvahnlee via @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results