Dalawang beses sumali sa beauty contest ang Kapuso TV host na si Patricia Tumulak alang-alang sa kanyang ina na frustrated beauty queen.
Ayon kay Patricia, “Ang maging beauty queen kasi ang pangarap ng mommy ko noon.
"Kaso, hindi natupad iyon kaya sa akin niya pinu-push iyon. Pinagbigyan ko naman ang mommy ko.
"Being a beauty queen was never my ambition. Naging masunurin na anak lang ako sa mommy ko," kuwento ni Patricia nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment) sa contract signing bilang advocate ng GMA Kapuso Foundation noong October 23, Miyerkules, sa GMA Network Center.
Naging kandidata si Patricia sa Miss Earth Philippines 2009, kung saan nakuha niya ang title na Miss Earth Philippines-Fire.
Noong 2011 ay sumali siya sa Binibining Pilipinas at umabot siya sa Top 10. Ang nanalong Miss Universe Philippines 2011 ay si Shamcey Supsup.
Saad niya, “After joining those two pageants, sinabi ko sa mom ko na, ‘Ayan, napabigyan na po kita. Ang gusto ko naman ang gagawin ko.’
"My beauty camp [Kagandahang Flores] wanted me to join another beauty pageant noong 2015.
"Pero I was already doing Eat Bulaga! that time kaya tinanggihan ko na.
“'Tsaka overage na ako to join any pageant. I was already 25 when I joined Binibining Pilipinas noong 2011.
"Parang last chance ko na yun to join."
Pag-amin ni Patricia, “I really want to be an educator. Yung pagiging teacher, parang second nature na sa akin.
“Bata pa lang ako, hilig ko nang magtitser-titseran kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko.
“Kapag tinanong nga ako kung ano ang talent ko, it’s never dancing or singing. Teaching ang talent na alam ko!”
HAPPY BIRTHDAY GIRL of eat bulaga!
Napasok ni Patricia ang showbiz via Eat Bulaga! noong 2015, at nakilala siya bilang HBD Girl.
“Eat Bulaga! opened new doors for me. From being the HBD Girl na binabati ang birthday celebrators every day, napunta ako sa pag-perform kapag may special contest ang Eat Bulaga.
“Naging all-around performer ako dahil sa Eat Bulaga! at tatanawin ko na malaking utang na loob 'yan sa kanila.
"As in, forever ko silang pasasalamatan kung nasaan ako ngayon,” pahayag ni Patricia.
Pinasok din niya ang acting at lumabas na siya sa mga teleserye ng GMA-7 na Calle Siyete, I Heart Davao, Super Ma'am, Contessa, Inagaw Na Bituin, Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko, at ang bagong afternoon drama series na Magkaagaw.
Aniya, “I enjoyed acting as much as I enjoyed hosting.
“Nakapag-acting workshop ako and noong una, kabado because hindi talaga ako actress, di ba?
“Pero I was able to do two Lenten drama specials for Eat Bulaga! before, kaya kahit paano, nagkaroon na tayo ng experience before doing teleseryes.”
PUBLIC SERVICE
Public service ang kasunod na gustong gawin ni Patricia at right timing ang pagkuha sa kanya ng GMA Kapuso Foundation.
"Natuwa ako, kasi ang ibinigay nilang task sa akin ay ang Kapuso School Development.
"I graduated with a course in Child Development and Education Minor in Special Education.
“Nakapag-volunteer ako to teach sa isang public school and I have this story-reading project sa iba't ibang barangays.
“Ako mismo, nakikipag-usap sa barangay leaders for coordination sa mga public schools sa area nila.
“With GMAKF, we will be there for the building and rehabilitation of schools in Luzon, Visayas, and Mindanao.
“Education is very important to so many children and we will see to it that they will have a safe and functional school kunsaan sila mag-aaral.
“I will also be part of the Kapuso Tulay Para Sa Kaunlaran, wherein the foundation will be constructing concrete and steel bridges in remote areas of the country.
“It’s important to connect communities to schools and markets. It will encourage learning and trade.
“Diyan magsisimula ang progress ng isang lugar, basta may maayos at matibay na tulay na magagamit ng marami.”
