Pinabulaanan ni Anjo Damiles na siya ang lalaki sa isang nude photo na pinagpiyestahan noon sa social media.
Kahapon, September 30, Lunes, sa mediacon ng bagong GMA-7 afternoon drama series na Madrasta, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Anjo tungkol dito.
Saad niya, “Aware ako and I told them na I don’t know that.
"I never did that. Wala akong ginawang ganyan. Wala akong kalokohang pinaggagagawang ganyan.
“Kasi hindi ko naman ata gagawin din 'yan.”
Nakita raw ni Anjo ang sinasabing nude photo niya.
“Sinabi sa akin ng manager ko, sabi niya, ‘Ano yan?’”
Si Anjo ay talent ni Jonas Gaffud ng Mercator Artist and Model Management at Empire.PH
Patuloy ng Kapuso actor, “Siyempre, sabi ko, ‘Hindi ko alam. Bakit, ako ‘yan? Hindi naman ako 'yan. Ang liit naman!’” at tumawa si Anjo.
“‘Tsaka ang liit naman nun,’ sabi ko, ‘Ano ba 'yan?’
“I have a lot of red shorts,” sagot naman ni Anjo tungkol sa pulang shorts na suot ng lalaki sa litrato kung saan nakalabas ang pagkalalaki pero halos natatakpan ng cell phone ang mukha.
“Bakit? Kasi nag-San Beda ako. Uso talaga ang red and white, pero wala akong ganung [nude photo].”
One hundred percent sure si Anjo na wala siyang nude scandal.
Tiyak na pag-uusapan si Anjo sa sagot niyang maliit ang pagkalalaki ng lalaki sa larawan.
“E, siyempre ang liit naman nun,” ulit niya.
Never daw niyang kukunan ang sarili niya na labas ang kanyang private part.
“Never, at baka baka mabighani ang mga tao kapag nakita yung akin!” natatawang biro ulit ni Anjo.
Ano ang sagot sa kanya ni Jonas noong sabihin niyang hindi siya ang lalaki sa nude photo?
“A, siyempre, ano ang mas paniniwalaan ng manager ko? Siyempre ako.
“Kasi ako, hindi ko gagawin yun!
“Galing ako sa very religious family.
“Ako lang yata ang… hindi naman tumatakwil, although may gusto kasi akong gawin, na hindi rin sila sang-ayon.”
Ang pag-aartista ang tinutukoy ni Anjo.
“Kasi, of course, maraming tukso.”
At maintriga ang mundo ng showbiz.
“Oo, ganyan, lalo na yung lumabas nga na picture na sinasabi mo, nakita rin ng family ko yun.
“Sabi nila sa akin, ‘Ikaw ba talaga ‘yan?’
“Sabi ko, ‘Ano ba kayo, kayo ang nagpalaki sa akin, malamang nakita na ninyo yung akin, ano ang masasabi nyo? Hindi ako ‘yan, kilala niyo ako.’
“Hindi ganyan ang banyo ko!” ang tumatawa pang dagdag na sabi ni Anjo.
Sa banyo kasi kinunan ang nasabing nude photo.
ANJO DAMILES ON JOINING SHOWBIZ
Ang ina ni Anjo ang pinakaayaw na mag-artista siya. Paano siya pinayagang pumasok sa showbiz?
“Napapayag ko siya in a way na parang, ‘You know, this is what I love, Mama. Hindi mo naman ako mapipigilan, e.
“‘Kasi, sooner or later, darating at darating din yun sa akin.
“‘May mga opportunities na bigla na lang tumatawag, nagte-text sa akin na kailangan nandito ako, kailangan ako nandiyan.
"'So, wala kang magagawa, ganun talaga.’
“And napapayag ko naman siya.”
Paano siya na-discover?
“May audition dati for a boy band, so nag-audition ako. 2013 ata yun.”
Pasado raw siya sa kantahan pero hindi sa pagsasayaw.
“Tinanggal ako kasi, in short, hindi ako marunong sumayaw!” natawang sabi ni Anjo.
May nakakita raw ng potensiyal niya bilang artista at sa acting naman siya sinubukan.
“Doon na nagsimula,” pakli ni Anjo.
