Bilib na bilib ang writer-filmmaker na si Darryl Yap sa husay at sa professionalism ni Candy Pangilinan.
Ito ay kaugnay ng partikular na eksena ni Candy sa pelikulang Jowable, na launching movie ng ABS-CBN actress na si Kim Molina.
Sa pelikula, desperada na ang 30-something na karakter ni Kim, si Elsa, na magkaroon ng boyfriend, hanggang sa kumprontahin na niya ang Diyos kung bakit hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend, kahit jowable naman siya.
CONTROVERSIAL SCENE IS THE “SOUL OF THE FILM”
Tampok sa seven-minute scene ang masinsinang pag-uusap ng karakter ni Kim na si Elsa, at ng karakter ni Candy, isang madre, tungkol sa pagiging NBSB (no-boyfriend-since-birth) ni Elsa.
Matapos kumpirmahin ng madre kay Elsa na virgin pa siya, itinanong ng bida kung “nagpi-finger” ba ang madre.
Sa media conference ng Jowable sa Quezon City noong September 13, inamin ni Candy na nag-alangan siyang sagutin ang tanong sa kanyang karakter.
“Actually tinanong ko talaga si Direk. ‘Direk, okay lang ba yun, tinanong niya yung madre kung nagpi-finger?’”
Kuwento naman ni Direk Darryl, maging si Kim ay nagtanong sa kanya kung gagawin ba talaga nila ang nasabing eksena—na naka-schedule sa kanilang first shooting day.
Inilarawan ni Direk Darryl bilang “soul of the film” ang nasabing partikular na eksena, na sentro rin ng kontrobersiya ng pelikula.
“That seven-minute dialogue will not bore you,” pagtitiyak naman ni Direk Darryl.
“Its seven minutes of the film. It’s the soul of the film,” dagdag niya.
MEMORIZING A THREE-PAGE DIALOGUE, 30 MINUTES BEFORE SHOOT
Papuri ng 31-anyos na direktor kay Candy, “Napakagaling po ni Ms. Candy Pangilinan doon!
“I just gave the script exactly thirty minutes before the shoot, memorized agad.
“Thirty minutes, three pages, seven-minute dialogue, walang kinat [na-cut]. One take.
“Paulit-ulit po ako, kahit kina Boss Vic [del Rosario of Viva] nung kinumusta po ako, sabi ko ‘wala akong masabi kay Ms. Candy.’
“Less than thirty minutes, three pages, by verbatim.
“Wala pong binago, walang napagpalit na salita. Galing!”
Speechless naman ang 47-anyos na aktres sa papuri sa kanya ni Direk Darryl.
EXPECTING CATHOLIC CHURCH’S REACTION
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Darryl pagkatapos ng mediacon, ibinunyag niyang sa nasabing eksena lang mapapanood si Candy sa pelikula.
Kuwento ni Direk Darryl, “Ms. Candy only has that scene. She never appeared on the movie.
“But the message of Candy's character retained to Elsa all throughout her journey,” dagdag niya.
Sinabi pa ng direktor na inaasahan na niya ang posibilidad na magre-react ang Simbahang Katoliko sa nasabing eksena nina Kim at Candy, na napapanood na sa trailer nito.
“The trailer is like the trigger part,” ani Direk Darryl, na aminadong dati siyang nag-aral sa isang Catholic school.
“Mati-trigger talaga yung church, but what will appease them, what will settle the emotions, is if they watch the film.
“The film itself, it will explain bakit kailangan ganun magsalita yung babae,” aniya, pagtukoy sa karakter ni Kim.
Sa katunayan, sinabi pa ng direktor na humihiling pa nga siya ng block screening ng Jowable para sa Singles for Christ “because Jowable is about singles.”
Ang Singles for Christ ay nagkakaloob ng Christian support environment sa mga walang asawa, at isa sa family ministries ng Couples for Christ ng simbahan.
FROM SHORT CLIPS TO FULL-LENGTH MOVIE
Si Direk Darryl din ang nagsulat ng Jowable, na pagsasapelikula ng short video clips na may kaparehong titulo, at napanood sa Facebook page na VinCentiments noong 2018.
Nag-viral ang nasabing short videos, makaraang magkaroon ng one million views sa unang magdamag ng pag-a-upload nito.
Sa magdamag din na iyon, biglaang humakot ng 100,000 likes ang VinCentiments, na page rin ni Direk Darryl.
Naisalibro na rin noong March 2019 ang Jowable. Ipapalabas na sa mga sinehan ang Jowable the movie simula September 25, 2019.
