Para sa bagong Kapuso actress na si Thia Thomalla, “gift of my life” ang pagkakasama niya sa The Gift sa gitna ng pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang kapatid.
Si Thia ang gaganap na love interest ni Alden Richards sa The Gift.
“The Gift is a gift of my life, 'cause recently my brother passed away, four months ago,” kuwento ng 24-anyos na Kapuso actress sa entertainment reporters na dumalo sa grand media launch ng teleserye sa Quezon City, nitong Lunes, September 9.
Dahil nagluluksa pa sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid, sinabi ni Thia, “I had difficulties in adjusting and pulling myself out of the darkness.”
Hanggang sa dumating ang project para sa posibilidad na gumanap siya sa isang teleserye.
“So when this project came my way, I told my handlers… I’m gonna try,” sabi ni Thia.
Aniya, sumalang siya sa screen test nang walang expectations na makukuha niya ang role.
Paliwanag ni Thia, “Kasi I don't want any heartfelt feelings right now.
“I don't think I am ready to handle those emotions.”
Kuwento ni Thia, nang malaman niyang nakuha niya ang role sa The Gift, “It pulled me out, and it gave me more motivation and determination to be better as a person.”
THIA PAYS TRIBUTE TO HER BROTHER
Iniaalay ng kauna-unahang Pinay Miss Eco International (2018) ang una niyang teleserye sa kapatid na pumanaw sa cancer noong Mayo 2019.
“And it reminded me that I am here, alive, because my brother… and this is because of him,” ani Thia.
Dagdag pa ng Filipino-German beauty queen, “I’m gonna live every single day because of him.”
Sa Instagram post ni Thia noong June 19, ibinahagi niya ang isang throwback photo nila ng kapatid, na tinawag niyang “My BEST playmate & frenemy.”
Mensahe ni Thia sa namayapa niyang kuya: “Promise nako nimo that I’ll make you proud!!!”
READY FOR BASHERS
Dahil siya ang bagong itatambal kay Alden, natanong si Thia kung handa na ba siya sa bashers, na karaniwan nang kumukuyog sa mga nali-link sa aktor.
Sagot ni Thia, “I can say ready naman, for whatever’s coming my way.”
Tiniyak din niyang handang-handa siya sa pagsabak sa pag-aartista.
“I’m wholeheartedly open for all the challenges and advice na ibibigay sa akin,” pagtitiyak pa ni Thia.
Sa Lunes, September 16, na mapapanood ang The Gift sa GMA Telebabad.
