Grade 8 na ang teen actress na si Jillian Ward.
Dahil hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral kahit sobrang busy siya sa kanyang showbiz career, sinisiguro niyang tuluy-tuloy ang pag-aaral niya kahit paminsan-minsan ay kailangan niyang magpalit ng course o lumipat ng school.
“Magta-transfer po ako, e.
"Kasi Computer po yung ta-transferan ko. Yung dati po kasi [na school], kailangan po ng tutor pa, so medyo hassle pa.
"Medyo ngayon po kasi mas busy na po, e.
"Lalo na po may Prima Donnas, so mas okay po yung Computer na lang po para sa akin ngayon po.”
NEW KAPUSO TWEEN QUEEN?
Sa obserbasyon ng marami, dahil nagdalaga na sina Barbie Forteza at Bianca Umali ay si Jillian, na katorse anyos ngayon, ang hahalili sa puwesto ng mga ito bilang Tween Queen.
Ano ang masasabi ni Jillian tungkol dito?
Pahayag ng dalaga, “Nae-excite po ako kasi parang panibago nga pong journey ito para sa akin, and ayoko pong ma-disappoint po yung mga tao.
"And gusto ko pa pong mas mapakita yung talent ko po sa acting, sa singing, and gusto ko pa pong mag-grow pa.
“Kumbaga po, maraming-marami pa po akong maipapakita at matututunan.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa grand mediacon ng Prima Donnas sa 17th floor ng GMA Network noong August 13.
RESPECTFUL TO SENIOR STARS
In an interview, sinabi ni Aiko Melendez na co-star ni Jillian sa Prima Donnas na sa ngayon, may mga kabataang artista na tila may sariling mundo, na parang hindi lahat sa mga ito ay marunong makihalubilo sa kapwa nila artista sa set, lalo na sa mga veteran stars.
Si Jillian daw ay hindi ganoon.
Lahad niya, “Ako po kasi, mahilig po talaga akong makipag-communicate po, kahit anuman pong edad, kahit sino man po sila.
“Kasi iyon po talaga yung best way po na matuto pa po in life, e.
“Marami ka pong matututunan na experiences, mga lessons.
“So wala po akong pinipili.
“Medyo tahimik po ako minsan pero once nakilala ko na po yung tao, tsaka po ako nagiging maingay talaga.”
Alam ni Jillian kung paano rumespeto sa mga artistang mas nakakatanda sa kanya.
Saad niya, “Oo naman po.
"Since sila po mga beterano na, kami po mga bata lang, wala pa po kami sa kalahati ng experience po nila, so kailangan po talagang kami po yung nagri-reach out.
“Kasi respeto rin po sa kanila bilang artista and dun din po sa edad po nila and sa mga nagawa na po nila para sa industriya.”
