Magkasunod na nag-post ng litrato nila habang nagba-bonding sa Times Square sa New York City sina Kim Chiu at Maja Salvador.
Sobra naman itong ikinatuwa ng fans na sumusubaybay sa pagkakaibigan ng dalawang Kapamilya stars.
Kabilang sina Maja at Kim sa mga nag-perform para sa Kapamilya World Fiesta sa New Jersey nitong Linggo, August 11.
Magkahawak-kamay at ngiting-ngiti habang nakatayo sa Times Square ang magkaibigan sa mga litratong kapwa nila ibinahagi sa Instagram nitong Linggo.
Naunang nag-post si Maja.
Caption ni Maja sa dalawa nilang litrato ni Kim: “See you later mga kababayan dito sa New Jersey! (heart emoji) Hi Kimmmeeey @chinitaprincess (wave, kiss emojis) #KFWNewJersey2019.”
View this post on Instagram
Limang photos naman ang ipinost ni Kim makalipas ang ilang oras (as published):
“endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before.., laugh here and there, stories this and that. (laughing emoji)
“from wedge, heels, to white sneakers now!!!! (wedge, heels, sneakers emojis) hahaha (laughing emoji)
“some things never change!! still the same us!!! (two girl friends, pink heart emojis)
“fun times in time square at 1am! (USA flag).”
May pahabol pang pagbati si Kim sa bagong teleserye ni Maja, ang The Killer Bride: “congrats on #killerbride mamaya na!!! (wink emoji) @iammajasalvador.”
View this post on Instagram
Sinimulan nang ipalabas ang The Killer Bride sa ABS-CBN kagabi, August 12.
NETIZENS REACT
Nagpahayag naman ng katuwaan ang maraming fans nina Kim at Maja sa mga litrato ng bonding nila sa New York.


Batay sa mga komento ng kani-kanilang followers, na-miss nila ang makitang magkasama sina Kim at Maja.

Pinuri rin ng netizens ang “restored friendship” ng dalawang Kapamilya actresses na “sinubok at pinagtibay ng panahon.”



KIM-GERALD-MAJA CONTROVERSY
Taong 2013, at kasagsagan ng teleserye nina Kim at Maja na Ina, Kapatid, Anak, nang nagkaroon sila ng alitan makaraang aminin ni Maja na nagde-date sila ni Gerald Anderson, ex-boyfriend ni Kim.
Kapwa produkto ng Pinoy Big Brother: Teen Edition, nauwi sa totohanang relasyon ang love team nina Kim at Gerald, na nagtapos noong 2010.
Kasunod nito, ilang taong hindi nagpansinan sina Kim at Maja hanggang sa mapaulat na nagkaayos sila noong April 2014.
Pagsapit ng 2015 ay nagkahiwalay rin sina Gerald at Maja.
BEA AND JULIA THIS TIME
Ilang netizens na nagkomento sa posts nina Kim at Maja ang hayagang nag-ungkat sa nasabing kontrobersiya, at nagbanggit pa sa pangalan ni Gerald.


Nabanggit din ng netizens maging ang pangalan nina Bea Alonzo at Julia Barretto, na napapagitna ngayon sa halos parehong sitwasyon, na kinasasangkutan uli ni Gerald.
Ang kaibahan lang, hindi mag-best friends sina Bea at Julia, na nagkatrabaho sa teleseryang A Love to Last noong 2017.
Nadadawit ang pangalan ni Julia sa hiwalayan nina Gerald at Bea, bagamat pareho nang pinabulaanan nina Julia at Gerald ang isyu ng third party.
Kapansin-pansin ding binigyang-diin ng ilang netizens kung paanong pareho nang masaya ngayon sina Kim at Maja sa kani-kanilang love life.

Nobyembre 2018 nang sa wakas ay aminin ni Kim na matagal na silang may relasyon ng ka-love team niyang si Xian Lim.
March 2019 naman nang kinumpirma ni Maja na nakabalikan niya ang dating nobyo, ang businessman na si Rambo Nuñez.
