Eksaktong 4:55 ngayong Huwebes ng hapon, June 20, binawian ng buhay ang beteranong aktor at director na si Eddie Garcia.
Siya ay 90 taong gulang.
Matatandaang naaksidente si Eddie habang nasa set ng teleserye ng GMA-7 na Rosang Agimat noong June 8, 2019, sa Tondo, Manila.
Unang inakala na inatake ito sa puso, ngunit ang kanyang pagkadapa pala ang dahilan kung bakit siya nalagay sa kritikal na kundisyon at kalaunan ay na-comatose.
Kaagad na bumuhos sa social media ang mensahe ng pakikiramay ng mga artistang nakasama, naging kaibigan, at mga kakilala ni Eddie sa industriya.
Ilan sa kanila ay nag-post ng kanilang Eddie Garcia-related throwback photos.
Narito ang ilan sa kanila:
Mula sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang aming taus-pusong pakikiramay sa mga naiwan ni Eddie.
