99.43 percent na ang mga botong naitala sa lalawigan ng Camarines Sur, kung saan abot-kamay na ni Imelda Papin ang dati niyang elected position na vice governor.
As of 2:50 P.M. ngayong Martes, May 14, nakakuha na ang tinaguriang Jukebox Queen ng 381,891 votes laban sa mahigpit na katunggali niyang si Yes Na Yes Bañes na may 317,040 votes.
Tumatakbo si Imelda sa ilalim ng PDP-Laban ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naglingkod si Imelda sa Camarines Sur bilang bise gobernador ng dalawang termino—mula 1998 hanggang 2004.
DANIEL FERNANDO
Samantala, malaki naman ang lamang ng aktor na si Daniel Fernando sa pagka-gobernador ng Bulacan.
May halos 300,000 votes ang lamang niya sa kanyang pinakamahigpit na katunggali na si Agila Natividad.
Si Daniel ay may 696,624 votes, habang si Natividad ay may 400,576 votes.
Si Daniel ay nagsilbi ng tatlong termino bilang bise gobernador ng Bulacan.
