Ang Thanks To You concert ni Jennylyn Mercado, tuloy
na tuloy na!
Unexpected man ang pagbubuntis ng StarStruck Ultimate
Survivor na si Jennylyn Mercado, hindi ito naging sagabal upang ituloy ng
dalaga ang kanyang pre-Valentine concert sa Zirkoh Timog on February 2.
Looking forward si Jennylyn sa kanyang pagbubuntis, pero dahil balitang medyo
maselang ang kanyang kalagayan, magla-lie-low muna siya sa Kapuso network.
Nawala man sa kanya ang drama series na Maging Akin Ka Lamang, nagkaroon naman siya ng oras mag-ensayo para sa kanyang nalalapit na concert. Katatapos lang magrehearse ni Jennylyn ng kanyang song numbers last Friday, January 18. Kakantahin niya ang mga songs na kasama sa kanyang upcoming album, plus renditions ng iba't ibang kanta na naging memorable sa buhay niya bago pa man siya mag-showbiz.
Makikibirit sa concert ni Jennylyn sina Songbird Impersonator Jason V., Bryan Termulo, at Janno Gibbs.
Get ready to fall in love all over again as you get intimate with the young actress and recording artist.
Catch Jennylyn Mercado in her newest concert, Thanks To You, on Saturday, February 2, 10 pm at Zirkoh Timog, Quezon City.