Mayroong bagong TV commercial ang real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre.
Ang launch nito ng kanilang TVC para sa 7-Eleven City Blends Coffee ay ginanap sa OASIS Events Place, Aurora Boulevard, Quezon City kahapon, September 22, 2016.
Sa teleserye nilang Till I Met You, inamin ng kanilang mga characters na sina Iris at Basti na mahal nila ang isa’t-isa. Nag-share sila ng first kiss nila bilang onscreen couple sa rooftop at naging top trending topic ang hashtag na #TIMYTheRooftopKiss.
Natanong ng ilang members of the press ang Jadine tungkol sa kanilang rooftop kiss sa September 21 episode ng Till I Met You.
James: “Actually, it’s quite normal to us, it’s like I’m kissing my girlfriend.”
Nadine: “Nagulat nga kami kasi we were watching after doing the scene. Parang kami, wala lang nood lang ganun, nagulat kami, parang four kisses yata yung pinalabas sa TV, pero nung ti-nake namin yun dalawa lang, tinanong namin si Direk Antonette bakit ang daming pinalabas. Anyway, everybody loved it. Kami lang naman ang gusto lang naming ay mag-enjoy ang mga millennials and I guess they loved it.”
May ilang ba sila while doing that rooftop kiss?
Nadine: “Of course, wala na!”
Anong masasabi niyo na kino-compare pa rin itong Till I Met You sa On The Wings Of Love na mas mababa daw ang TV rating ninyo kumpara sa OTWOL?
James: “It can happen kasi OTWOL was a phenomenon, it became popular on TV. I would say that Till I Met You…I guess it can be happen but it has different story talaga.”
Nadine: “Saka talagang malapit sa puso ng mga tao yung OTWOL so you cannot help it but I’m pretty sure that Till I Met You will be the same din.”
Sa Till I Met You, naipakita ang gay character sa katauhan ni JC Santos as Ali. Ready na ba ang mga Pinoy sa ganitong klaseng story on TV?
James: “I think everyone accepted it. No problem with people who watch it, it’s pretty much accepted and well accepted in the country.”
How is it working with JC Santos in this teleserye?
James: “JC is great. He is really a nice guy, we’re very lucky to have him in these teleserye. He’s really a great actor.”
Ngayong nasa third slot na ang Till I Met You sa primetime, mas marami bang kissing scenes ang mapapanood ng mga fans niyo dahil late na nga siya sa TV?
Nadine: “Kasi nga mas late at mas allowed? According nga kay Direk Tonette [Jadaone] nung may nag tweet sa kanya about that question, nag-oo siya dun sa nag tweet, so, I guess!”
Natuwa ba kayo na nilipat na sa third slot yung Till I Met You kumpara noong nasa second slot siya?
James: “Actually mas kumportable kami sa third slot.”
Nadine: “Saka mas nasanay yung mga tao na nasa third slot kami, e, parang naging habit na nila.”
Ang pumalit sa second timeslot sa primetime ay ang new ABS-CBN teleserye nina Jericho Rosales at Arci Munoz titled Magpahanggang Wakas.