PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jericho Rosales opens up about sexy scenes with Arci Munoz for Magpahanggang Wakas

What can Kim Jones, the wife of Jericho Rosales, say about his sensual scenes in Magpahanggang Wakas?
by Rey Pumaloy
Published Sep 13, 2016
Jericho Rosales and Arci Munoz have sensual scenes in ABS-CBN's upcoming teleserye Magpahanggang Wakas.


Hindi itinanggi ni Jericho Rosales na nagkaroon sila ng mga awkward moments ni Arci Munoz habang ginagawa nila ang mga sensual scenes nila sa Magpahanggang Wakas.

Ito ang pinagbibidahan nilang ABS-CBN teleserye sa direksiyon ni FM Reyes at sa ilalim ng RSB Production ni Direk Ruel S. Bayani.

Base sa trailer ng Kapamilya series na ipinalabas sa presscon kamakailan, may mga sensual at sexy scenes ang dalawang Kapamilya stars na kinunan sa dagat.

Pahayag ni Jericho tungkol sa kanilang karanasan ni Arci sa ilang mga araw na kinunan ang kanilang mga eksena, “Medyo nagtatawanan lang kami ni Moy [Arci]. Siyempre, nagkakailangan kami konti kasi nga first time, e. First time naming nag-meet tapos diretso na kami agad nang Caramoan. Siyempre, pini-feel pa namin ang isa’t-isa tapos biglang yun na ang scenes namin.

“Medyo awkward nang konti but then nairaos namin. Nag-bond kaming dalawa sa Caramoan. Nagkuwentuhan kaming dalawa. Nagbabad kami sa lobby ng hotel para makapag-kuwentuhan.

“That’s the best we could do.”

Matapos ang presscon proper nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho at ng ibang media tungkol sa kanilang teleserye na nakatakdang ipalabas on September 19.

Isa sa mga tanong ng PEP sa aktor ay kung nahirapan ba siyang kontrolin ang sarili lalo’t maganda at sexy si Arci. Dagdag pang napakaganda ng isla ng Caramoan na parang nagaanyaya ng romansa, maging ng malamig na tubig dagat.

Nakangiting sagot ng aktor, “Of course, ang sa aming dalawa, when we’re doing scenes siyempre, you feel the love, you feel the excitement. Na-feel mo lahat nang ano.

“Siyempre, nagpi-play kami ng characters hindi mo dapat pigilan ang sarili mo. Pag nasa scene ka na, yun na yun.

“But working with her parang gave us the opportunity to be friends. Nai-enjoy namin yung beach, siyempre, pareho kaming mahilig sa beach at mahilig rin siya sa mga kung anu-anong bagay.

“So, it’s good to share a lot of things in common with a person you are working with, parang ganyan.”

Nang matanong si Jericho tungkol sa reaction ng asawa niya na si Kim Jones, ngumiti ito at naglinaw sa kung ano ang posibleng maramdaman ni Kim sa kanyang mga sensual scenes kay Arci.

Saad niya, “Okay balik tayo doon. Kasi si Kim would be...papagalitan ako nun kung half-baked ako sa trabaho ko. She’s the type."

Dagdag pa ni Echo, kilala rin niya ang boyfriend ni Arci na si Badi del Rosario.

“We are both in a relationship, I know her [Arci] boyfriend and magkakilala kami.”

“Magkakilala kami, producer ko ang mommy niya before for Subject I Love You. So, kilala ko si Badi.”

Kilala sa tibay at laki ng kanyang religious morals si Jericho bilang isang Born Again Christian kaya isang sorpresa na napapayag siyang gawin ang mga sensual scenes niya sa teleserye.

Sa tingin ba niya ay na-compromise ang religious morals niya para lang magawa niya ang mga nasabing sexy scenes kay Arci?

Tugon ng aktor, “Ah, hindi. I can consult my pastors and my friends who are Christians also. It’s nothing if I play a Muslim. It’s nothing wrong if I play...kunwari ibang religion, Buddist ako. Walang problema doon.

“Kasi it’s about tellinga good story not just telling a good story but specially sa lahat ng ginagawa ko, may lessons 'yan, e. If you look at the Bible, may massacre pa diyan, may kung anu-ano pang nangyayari. You have to tell a story.

“And you know when I was talking about my conviction kanina, understanding ko yan e. Siyempre, nagkaroon ako ng time na extreme ako e na teka lang. You grow, you learn.

“But now, with more understanding I would be able to do roles na hindi ninyo nakikita sa akin before. For as long as it falls yun sa goal ko.

“Dapat yung projects ko stories that will inspire and give hope.”

Tinuldukan na yung sinabi na hindi aalis sa ABS-CBN?

“Bakit naman ako aalis? Parang bakit pa? Masaya ako dito e..Magpahanggang wakas.”


INTERNATIONAL STAR. Sa presscon proper nabanggit at ipinagmalaki ni direk Ruel Bayani, creative head ng teleserye nila, na si Echo sa mga local male TV actor ang kilala sa buong mundo sa maraming bansa mula sa mga teleseryeng ipinalabas doon na nilagyan ng adaptation base sa kanilang lenguwahe.

Nagbigay pa nang example si Direk Ruel na nagpapatunay kung paano niya nasaksihan at nalaman ang pagiging isang sikat na Pinoy TV star si Echo.

Kuwento naman ni Jericho, kahit sa South Africa ay may mga nakakakilala sa kanya mula sa seryeng ipinapalabas doon na gawa ng ABS-CBN.

Patuloy pa niya, “Hindi naman ako sanay sa titulo, e. Hindi ko ma-ano lahat nang credit for that because I feel so honored. Kinikilig ako diyan.

“Alam naman ninyo ang pangarap ko di ba, makapagtrabaho sa ibang bansa. Bukod sa Pilipinas makilala sa buong mundo dahil sa trabaho.

“ABS gave that opportunity [to me] at marami akong napuntahan na iba’t-ibang bansa.

“Maliban sa mga tiga South Africa, may Chinese businessmen sa isang airline lounge. Yung mga ganong humihingi ng picture sa akin dahil pinapanood raw ako ng mga asawa nila. Malaysia, Singapore-some parts-maliit lang naman ang Singapore, Indonesia.

“Ngayon nga sa mga Latin America, Cambodia, yung mga ganon.

“Ang pinaka-ano, West Africa. Kung itsi-check mo ang Instagram ko, mapapansin mo kadalasan ng mga caption ko nasa English kasi malaking part ng mga followers ko are foreigners.

“Kailangan ko silang i-consider. Minsan may translation pa nga ako para maintindihan nila. Even sa Facebook.

“Pero for me it’s an exicting time kasi alam ko na it would help elevate the quality of soap operas sa Pilipinas. Nandiyan na kami, nakita na kami sa ibang bansa, e.

“I’m so proud and so honored na kahit na may pressure sa amin na kami yung pioneers nito for the other Filipino actors, yung aabutan nila maganda na yung gagawin nila.”

Nagkaroon ka ba ng offer na gumawa nang project sa ibang bansa?

“I did before. Kung maka-stay lang ako sa Malaysia, hindi lang isang movie ang ginagawa ko.

“Matagal na yun, years and years ago. Kailangan nakatira doon, e.

“To be able to work kailangan nandun ka. Siyempre, hindi ko naman ipagpapalit ang Pilipinas nang ganun-ganon lang, di ba?”

Hindi naging conflict sa religious belief mo or nagkaroon ng compromise para magawa mo ang mga sensual scenes mo?

Maliban kay Piolo Pascual at John Lloyd Cruz, isa si Jericho sa mga matagal nang contract star ng ABS-CBN.

Dahil nga may mga lumilipat na mga artists sa GMA 7 mula sa Kapamilya network, posible rin bang dumating sa panahong aalis rin siya sa kanyang mother station?

Napakunot-noong sumagot si Jericho, “Bakit naman ako aalis? Parang bakit pa? Masaya ako dito...Magpahanggang wakas.”



ON PAST RIFT WITH JOHN ESTRADA. Magkasama sa teleserye sina John at Jericho na dating nagkaroon ng malaking isyu ilang taon na ang nakakaraan. Ito yung panahong kasintahan pa ni Jericho ang ngayo’y misis na ni Senator Chiz Escuderdo at Kapuso artist na si Heart Evangelista.

Ipinapaalala pa lang ng press kay Jericho ang tungkol sa isyu, napangiti na ang aktor at nagsalita pa itong, “Ah sabi ko na, itatanong ninyo yan sa akin, e. Sige go-go!!”

Malumanay at nakangiting nagsalita na si Jericho, “Matagal na naming naayos yun. Ako, humingi ako personally ng tawad sa kanya sa mga nagawa ko dati. Siya din, dalawa kami.

“That event made us...parang nagkaroon pa kaming magandang pagkakaibigan. Hindi man kami magka-close katulad nila nina Goma [Richard Gomez], but you know, nagkaroon kami ng bond. Nagbibiruan kami. Nakita nyo naman kanina kung paano kami.

“So, I truly believe in forgiveness. May mga phase sa buhay mo na darating but it doesn’t end there. Good things happened after the storm.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jericho Rosales & Arci Munoz at the grand presscon of ABS-CBN's newest primetime soap #MagpahanggangWakas

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on






ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jericho Rosales and Arci Munoz have sensual scenes in ABS-CBN's upcoming teleserye Magpahanggang Wakas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results