PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle showcases pole dancing skills for Asian TV series Private Investigator

Karylle describes experience shooting Private Investigator in Singapore; says the series will be shown by January 2017.
by Melba R. Llanera
Published Sep 9, 2016
Karylle describes experience shooting Private Investigator in Singapore; says the series will be shown by January 2017. She is seen in this photo with co-star Carl Ng.


Marami sa mga tagahanga ni Karylle ang natuwa nang mapanood siya muli sa It’s Showtime ngayong linggo.

Pansamantalang nagpaalam sa ABS-CBN noontime show ang singer/TV host para mag-taping ng Asian TV series titled Private Investigator sa Singapore.

Noong 2011, nakagawa na ng pan-Asian TV series si Karylle kasama si Christian Bautista. Ito ang Kitchen Musical kunsaan marami ang humanga sa husay na pinakita ng dalawa sa musical dramedy.

Sa interview ng PEP.ph at Cinema News kay Karylle noong Lunes sa It’s Showtime studio, masayang binahagi ng Kapamilya TV host/actress ang experiences niya hindi lang sa taping ng Private Investigator kundi maging sa mga kababayan nating Pinoy na nakakasalamuha niya sa Singapore.

“Actually for this week lang, babalik din agad ako sa Singapore sa Wednesday. Nakaka-homesick din pero alam mo nakakatuwa talaga kasi ang mga Filipino kahit saan ka magpunta sa mundo, di ka talaga mag-iisa dahil ang dami nating kababayan.

"Parang password 'yan, 'Kabayan.' Pag di ka sure, [magtanong ka] 'Kabayan?' sasagot naman sila. Mararamdaman mo yung pagmamahal, alaga, kasi maraming mga Filipino ang sa restaurants sila kumakain kaya hala sige bigay sila ng kung anu-anong desserts. Ang sweet nga nila kasi alam nila kung naho-homesick, kahit papaano malaki ang nagagastos mo kasi nasa ibang lugar ka.

"Naiisip mo, 'bakasyon ba ito o trabaho?.'”

Nagkuwento naman si Karylle ng kaunting detalye tungkol sa role na gagampanan niya sa Private Investigator.

Ang karakter niya na si Maia ang lead star ng crime thriller na ito. Isa siyang single parent na nagtatrabaho bilang personal investigator. Ang una niyang mission ay mag-undercover bilang pole dancer.

“It’s a new series there, actually sobra nilang advance, sa January pa ito mapapalabas.

"We will hear more about it pag promo period nila, yung talagang mga detalye. Ano siya, action na medyo exciting. Di ko pa siya ma-describe ngayon, siguro pag malapit na siya mas mae-explain ko kung ano ang mga pinaggagawa namin dun.

“Minsan naga-undercover, nakakatuwa kasi yung unang job ko dun, pole dancer sa Orchard Road talaga. Sa totoong club ako pumasok dun so nakakatuwa naman.”

“Masaya kasi siyenmpre iba din, napagkakamalan nga akong local na Chinese. Kinakausap nila ako in Chinese, natutuwa naman ako. Saka everyone is so welcoming.”

Masaya si Karylle na nagbubunga lahat ng mga paghihirap niya noon kung saan sumasailalim talaga siya sa mga auditions.

“I’m so happy, alam mo ever since naman nagsimula ako sa entertainment, sa lahat ng play nag-audition ako at naga-audition ako hanggang ngayon. Di siya naging iba sa akin na pag may chance na mag-read o mag-audition tine-take ko.

"May kaunting kaba siyempre kasi you never know kung makukuha mo pero pag nakuha naman sobrang laking blessing and challenge kasi mahirap pala ang buhay OFW kahit months lang.”

Labis din ang pasasalamat ni Karylle dahil buo ang suporta na binibigay sa kanya ng asawang si Yael Yuson.

“Oo, nung last niya sinundo niya ako kaya ako nagkaroon ng sobrang lakas ng loob para umuwi.

“Kasi parang iisipin mo mapapagod ka, tapos baka may ma-miss out ka doon, dapat ba may gawin ka pa or whatever. Yun sinundo niya ako.”


YAEL AS OPM PRESIDENT? Proud naman si Karylle sa balita na ang gustong makapalit ni Ogie Alcasid bilang Presidente ng OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit) ay ang asawa niya na si Yael.

“Oo nga, e, nagulat nga kami," pag-amin ni Karylle.

“Nung nasa Singapore ako tinext namin si Kuya Ogie, sabi ko, thank you naman Kuya Ogie, ganyan, pero di ko pa siya nakikita kasi o nakaka-usap talaga sa phone, ka-text ko pa lang.

“Si Yael kasi had been in the business for so long, they never had stopped making music. I think mayroon siyang mga ideas na nagustuhan ni Kuya Ogie na happy naman ako na alam niya na Yael really tries very hard to make sure they keep on making new music. Yun ang pinaka-challenge natin ngayon as musicians, yung pagtanggap sa bagong music kasi puro throwback.

“Yung Sponge Cola is one of the band na di talagang naggi-give up. I guess nakita yun ni Kuya Ogie so I’m really happy about that.”

Nang kamustahin naman namin ang inang si Zsa Zsa Padilla, siniguro naman ni Karylle na nasa mabuting kalagayan ang ina.

“Nag-concert pa siya tapos may isa pa siyang concert, Americana na. Hahahaha! She’s much better, she’s doing great. Nakikita naman natin na blooming siya uli."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Karylle
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karylle describes experience shooting Private Investigator in Singapore; says the series will be shown by January 2017. She is seen in this photo with co-star Carl Ng.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results