Kaliwa’t kanan ang graduation day, recognition day, at moving-up ceremonies dahil sa pagtatapos ng school year.
Kalimitan, may mga agaw-eksenang tagpo. Natatandaan niyo ba yung mga graduates na rumampa at ginawang runway ang stage? O di kaya yung mga nagdala ng sarili nilang medals?
Ngayong taon, ang pinag-usapan sa social media ay ang mga nanay na dumalo suot ang kanilang agaw-eksenang outfits.
May naka-wedding gown, may naka-tube top, merong naka-ab-baring dress, at meron pang naka-see-through skirt na may napakataas na slit.
Mixed ang reactions ng netizens. May mga pumuna at meron din namang nagtanggol.
Katwiran ng mga kritiko, dapat ay appropriate ang suot at hindi agaw-eksena dahil araw iyon ng kanilang mga anak. Ipinapaalala naman daw ito sa parents-teachers meeting.
Ang mga supportive, sinabing, "They can wear whatever they want because it is also the parents’ success.”
Wala rin namanng sinasaktang tao ang mga mommies sa kanilang pananamit kaya hindi sila dapat kutyain.
Read: "Fashionista mom" nag-react sa viral graduation OOTD ng mga nanay
WEDDING GOWN
Sunud-sunod ang punang ibinato kay Mary Grace Gundayao Galgao, taga-Mariveles, Bataan, dahil sa isinuot na wedding gown sa recognition day ng kanyang honor student na anak.
Maraming nam-bash sa damit ni Mary Grace, na isang fish vendor at budding content creator.
Pagtatanggol naman ni Mary Grace sa sarili (published as is): “Anong masama sa suot ko..?? Deserve ko naman siguro.. Magsuot ng pinakamagandang outfit kc may karangalan din nman po ang anak ko …proud lang naman ako as a mom...Desente naman tinggan... Sleeveless daw po ang bawal..”
Sa earlier post, nabanggit niyang nag-order siya sa online shopping, subalit pangit ang damit, kaya’t napahukay siya sa baul para hanapin ang kanyang wedding dress.
Read: VIRAL: Mom in Bataan wears wedding gown on son's graduation day

TUBE DRESS
Sobrang nag-viral din ang content creator na si Joy Basa sa moving-up ceremonies ng kanyang anak na pre-schooler.
Naging tampulan ng atensiyon si Joy dahil sa kanyang body-hugging black tube top at beige pleated long skirt.
May mga nagsabing hindi akma ang suot ni Joy. Pero marami rin ang nagandahan sa kanyang gayak. Actually, bagay na bagay sa kanya,
Naging meme ang kanyang outfit.

Ipinagtatanggol ni Joy ang sarili mula sa mga bashers.
Aniya sa comments section: “I hear your comments, both good and bad.
“But just to be clear, this video was never about my outfit.
‘It was about a mom who showed up, stood alone, and felt proud of her child.
“We all have different styles, and I respect that.
“But at the end of the day, I was there as a mother supporting my son on one of the most important days of his life.
“And that’s what truly matters to me.”
OOOPPs, mom did it AGAIN!
Pinag-usapan din noong nakaraang taon ang “Outfit Of The Day” o OOTD ng nanay na taga-Cebu dahil naka-backless ito nang dumalo sa graduation ng kanyang anak na babae.
Makalipas ang isang taon, muling pinag-usapan si Bernadette Cutas Flores.
Kapansin-pansin ang glow-up niya at lahat mapapa-second look sa kanyang sexy halter dress na color white with gold print.
Pati ang kanyang white turtle neck dress high slit ay kapansin-pansin.
Lumalabas na nagpunta si Bernadette sa graduation day ng kanyang kapatid.
Muli, umani ng bashing si Bernadette, pero hindi raw siya affected.
Ang rough translation sa Tagalog ng kanyang post: “Mind your own business, this is my life, hindi ko naman hiniling na bilhan mo ako ng damit, at magte-trending ako ng ganyan, kaya mas maganda.”
Read: Fashionista mommy, nag-viral ang OOTD sa graduation ng anak

OTHER VIRAL MOMS
Marami pang mga nanay ang pinag-usapan online dahil sa kanilang revealing outfits.
Ang mommy na ito ay umakyat sa stage na naka-gown na may mataas na slit.
Biro ng netizens, mukhang magpa-pageant siya dahil dalang-dala niya ang dress.

In a nutshell, ang pinakapunto ng mga pumupuna: ang okasyon ay para sa mga anak.
Ang mas open-minded netizens naman ay nagsabing walang masama kung anong nais suotin ng nanay hangga’t walang ginagambala o inaagrabyado o sinasaktan.
Kapansin-pansin namang karamihan sa mga nag-viral na nanay ay mga content creators kaya hindi maiwasang isipin ng iba na sinadya ang ganoong pananamit para gawing content.
Walang duda na kaya ng mga mommies na harapin ang bashing, pero sana, hindi umabot sa puntong pati ang mga anak ay madamay.
Sa mga nag-viral naman nang hindi nila inaasahan, wag kalimutang maipaunawa sa mga anak na sila pa rin ang bida sa kanilang graduation o recognition o moving-up day.
