November 2002 nang bumili si Michael Carroll ng ticket para sa National Lottery sa halagang £1 o PHP1,431.93.
Nineteen years old siya noon, isang garbage man na naninirahan sa Swaffham, United Kingdom.
Yun ang kanyang unang pagtaya sa lotto.
Ni hindi siya umasang tatamaan niya ang jackpot prize.

Pero nakaguhit sa mga palad ni Michael ang suwerte.
Tinamaan niya ang £9,736,131 o PHP774,786,798.14 na premyo.
Ang kuwento ni Michael ay naitampok sa news website na LADBible last May 14, 2025.
Read: Husband wins PHP226M lotto jackpot prize; hides it from wife
GARBAGE MAN SHARES FORTUNE TO RELATIVES; STARTS TO LIVE IN LUXURY
Sa napakalaking suwerteng dumating kay Michael, walang hindi magsasabing ang perang nasa kanyang mga kamay ay sobra-sobra hanggang siya’y nabubuhay sa mundo.
Ngunit sa kasamaang palad, walong taon lang niya itong napakinabangan.
Hindi naging maayos ang paghawak niya sa sariling pera.
Binigyan niya ng tig-£1 million o PHP79,576,730 ang kanyang ina, ang kapatid na babae, at isang tiyahin.
Nagkaloob din siya ng panibagong £1 million para sa Scottish football club na Rangers.
Ang £3.9 million o PHP310,389,066 ay inilaan niya sa investment bond.

Naging maluho rin si Michael sa pamumuhay.
Bumili siya ng mansion na nagkakahalaga noon ng £325,000 o PHP25,865,762.
May koleksiyon siya ng mga gintong alahas na umaabot sa £150,000 o PHP11,938,947.
Bukod pa rito ang mga bagong sasakyan kabilang ang Range Rover, dalawang BMW M3s, isang BMW Z4, at tatlong Mitsubishi Evos.
Read: Man wins lotto; loses girlfriend and the money
GARBAGE MAN’S HEDONISTIC LIFESTYLE
Pinagbigyan din ni Michael ang mga hilig ng kanyang katawan.
Sa isang panayam ay inamin niyang nalulong siya sa droga at gumagastos ng mahigit sa £2,000 o PHP159,182.76 sa cocaine araw-araw.
Naging alcoholic din siya.
Sinisimulan niya ang kanyang araw sa pag-inom ng “three lines of Charlie and half a bottle of vodka.”
Ang Charlie ay sikat na high-end champagne from Charles Heidsieck, a blend of Pinot Noir and Chardonnay. Bawat bote nito ay may price range na USD550 (PHPPHP32,374) up tp USD700 (PHP41,204).
Malaki rin ang nagagastos niya sa “Roman-style orgies,” kung saan may mga nakahubad na babaeng nagse-serve sa kanya ng trays of cocaine.
Sa kakaibang sex life niya, naglalabas siya kada session ng £50,000 o PHP3,979,872.
Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto
GARBAGE MAN SLOWLY EXPERIENCES DOWNSLIDE
Gayunpaman, sa kabila ng pagbubuhay-hari noon, hindi parating masaya si Michael.
Lagi rin siyang puno ng takot.
Minsan ay nagising siyang lima sa alaga niyang aso ang pinatay.
Madalas din siyang makaranas ng pamba-blackmail.
Minsan, may mga lalaking armado na basta na lang pumapasok sa kanyang bahay.
At para lang makaiwas sa mga ganitong sitwasyon, binibigyan niya ng pera ang mga nanggugulo sa kanya.
Unti-unting naubos ang kanyang napanalunan.
Noong September 2003, nakaka-survive na lang siya mula sa proceeds ng kanyang investment bond.
Ang siste, nung magsimula siyang mag-withdraw mula sa bond, malaki rin ang nagiging kaltas dahil sa penalty fees hanggang sa naubos na rin ang kanyang pondo.
Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize
GARBAGE MAN BECOMES POOR AGAIN AFTER 8 YEARS
Pagsapit ng 2010, wala ng pera si Michael.
Sa ulat ng U.K. newspaper na Mirror, naghanap siya ng trabaho at natanggap bilang taga-deliver ng coal.
Kalaunan, nagbalik siya sa dating trabaho bilang garbage man.

Sa ngayon, naninirahan si Michael kapiling ang ex-wife na si Sandra Aitken sa Belfast, New Ireland.
Kumikita siya ng £10 per hour o PHP795.71 kada oras bilang basurero.
Sa kabila ng nangyari sa kanya, walang pinagsisisihan si Michael.
Aniya sa panayam ng Mirror: "I don't look back with any regrets, that's for sure.
“I wouldn't want to turn the clock back."
Sinabi rin niyang ang mga taon kung saan nagpakasasa siya sa kanyang lotto winnings ang: “The best eight years of my life for a pound.”
Read: Couple that won billions in lottery ends 12-year marriage
