Mga lalaking naka-sando at naglalakihan ang mga katawan.
Pero wala sila sa gym kundi nasa isang care home sa Japan. Sila ang nagsisilbing mga caregivers sa mga elders at people with special needs sa nabanggit ng care home.
Pero bakit mga lalaking may naglalakihang katawan ang caregivers dito?
Ito ang naisip na solusyon ng isang Japanese firm sa lumalalang labor shortage sa Japan, tulad ng sa care sector.
Ang Japan ang world’s second-oldest population, kasunod ng Monaco, ayon sa World Bank.
Read: Which makes grilled food taste better: charcoal or gas?
MACHO CAREGIVERS
Malaki ang problema ng Japan sa care sector.
Lumalabas sa kanilang datos na may 100,000 katao roon ang nagre-resign taun-taon para alagaan ang kanilang mga magulang at mga family members na may karamdaman.
Inaasahan din ng Japan government na aabot sa 300,000 ang mapipilitang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga pagsapit ng 2030, batay sa kanilang forecast.
Para makaakit ng caregivers, tinarget ng kompanyang Visionary ang male bodybuilders sa pamamagitan ng pagbibigay ng perks tulad ng paid gym sessions at subsidies sa protein shake, ulat ng The Japan Times.
Taong 2018 nang simulan ng Visionary ang “Macho Caregivers,” na ang kampanya ay baguhin ang stigma sa care industry, tulad ng dapat ang mga kababaihan ang nababagay sa care homes.
Marami ang kumagat sa job opening, karamihan sa kanila ay young muscular men.
Karamihan sa mga recruits ay fitness enthusiasts. Lahat sila ay mayroong libreng gym access, habang ang piling employed competitive bodybuilders ay may two-hour paid weight training kada araw.
Tinatayang 168 ang na-hire nila noong nakaraang taon.
Inaasahan din ng kompanya na lalaki ang kita nito dahil sa isinagawang kampanya.

muscular CAREGIVERs, an effective campaign
Isa sa mga caregivers ay ang Gen Z na bodybuilder na si Takuya Usui.
Sabi ni Usui, hindi naman siya interesado noong una na pasukin ang pagiging caregiver.
Ano ang nagpabago ng kanyang isip?
“I was told I could actually put my muscles to use in this job, and I thought, 'Well, let's give it a try,'" panayam ng The Japan Times.
Si Usui ang nangangalaga sa isa sa patients na si Madoka Yamaguchi.
Dahil naka-wheelchair si Yamaguchi, binubuhat siya ni Takuya, pinapakain, at tinutulungan sa paglilinis.
Sabi ni Yamaguchi, 65, sa kanyang maskuladong caregiver, "He's so muscular that I don't have to worry that he might accidentally drop me. It's reassuring."
Ang sabi ng labor ministry ng Japan, aabot sa 570,000 caregivers ang magiging shortage ng kanilang bansa pagsapit ng 2040 dahil sa mababang sahod at physically demanding ng pagiging caregiver.
Hindi rin ito interesting sa mga lalaki kaya’t napupunta ito sa mga babae na karamihan ay 40 pataas ang edad.
Dito nagka-ideya ang Visionary chief executive officer na si Yusuke Niwa. Nagsimula rin siya noon bilang caregiver 20 years ago.
Naisip niya na kung makakapag-recruit siya ng bodybuilders bilang caregivers, maraming kalalakihan ang magkaka-interes din. Ang tingin kasi raw ng publiko sa malalaki ang katawan ay “cool” sila.
"Bodybuilders are extremely photogenic, cool, and the embodiment of tireless hard work," ani Niwa.
Nakikita rin ni Hokuto Tatsumi, 27, na nakabubuti para sa mga physically conscious tulad ng bodybuilders ang pagiging caregiver.
Si Tatsumi ay dating serviceman sa Maritime Self-Defense Force.
Kasama kasi sa regular na ginagawa ng mga bodybuilders ang araw-araw na physical training at strict diet.
At maa-apply raw nila ang ganitong disiplina bilang caregivers.
Kung nag-iiba na ang perception ng employees sa kanilang pagiging caregivers, ganito rin ang nararamdaman nila sa pagtatrabaho sa care home.
Katulad ni Usui na naging kaibigan ang kanyang pasyenteng si Yamaguchi.
Hilig ni Yamaguchi ang pagpipinta, pero dahil hindi magamit ang kanyang mga kamay, bibig ang gamit nito.
“I find that resourcefulness inspiring,” ani Usui.
Nakita raw ni Usui na makikinabang siya sa perks ng ibinibigay ng kompanya tulad ng free gym. Subalit sa pagiging caregiver, mas lumalalim ang pang-unawa niya sa propesyong ito.
“I’ve learned there’s more to caregiving than meets the eye,” aniya.”
Read: Money-saving tips for couples with financial obligations
