PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Couple looks strikingly similar; often mistaken as twins

“Who’s the husband, who’s the wife?”
by KC Cordero
Published Oct 24, 2025
The couple demonstrating their herbal products
Sa sobrang hawig ng mag-asawang Liang Caiyu at He Xiansheng, napapatanong tuloy ang netizens kung sino ba sa kanila ang mister at sino ang misis. (Photo: Douyin)

Nag-viral ang isang couple mula sa Guangdong province ng China dahil sobra silang magkamukha.

Duda tuloy ng netizens, baka magkapatid talaga sila nang hindi nila nalalaman.

Ang couple ay nakilalang sina Liang Caiyu, ang misis, at si He Xiansheng, ang mister.

Pareho silang nasa twenties.

Couple both wearing polo shirts
Sa larawan ay mahirap talagang matukoy kung sino ang mister at sino ang misis sa mag-asawang ito, if not for the Adam's apple of He Xiansheng sa kanan. Photo: Douyin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng South China Morning Post last October 16, 2025, sumikat ang couple sa Chinese social media sa pamamagitan ng uploaded short videos sa Douyin, counterpart ng Tiktok sa China.

Sa isang video na may pamagat na “Who’s the Husband, Who’s the Wife?” ay makikita ang couple na may matching wigs.

Ginaya rin nila ang expressions ng isa’t isa.

Photo of the couple
Kung ano ang suot ng misis, ganun din ang suot ni mister sa kanilang videos. Mapapansin naman sa kanilang mga larawan na mas mataas si He (kaliwa) kaysa kay Liang. Photo: Douyin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumatayo rin sila nang magkatabing-magkatabi para makalikha ng copy-and-paste effect.

Sa isa pang video na may pamagat na “Putting Makeup on My Husband,” makikita si He na nag-transform para maging kamukha ni Liang matapos ang makeover.

Nilagyan nila iyon ng caption na: “We are really sisters now.”

Ang video ay nakakuha na ng 352,000 likes.

Read: Husband jailed after saving wife’s number as "Chubby" in phone

COUPLE USES LIKENESS IN PROMOTING THEIR BUSINESS

Ikinuwento ni Liang sa Chinese media na nagkakilala sila ni He sa pamamagitan ng blind date.

Pareho silang nagmula sa mga pamilyang may 40-year history sa paggawa at pagbebenta ng traditional herbal medicine.

Nagpakasal sila makalipas lang ang anim na buwang pagde-date.

Matapos ikasal, nagbukas ang couple ng isang herbal medicine shop noong 2023.

Si He ang gumagawa ng herbal soups and tea blends, habang si Liang ang namamahala sa marketing and promotions.

Aminado ang couple na noong una ay mabagal ang takbo ng kanilang negosyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero nang mag-viral ang kanilang pagiging magkamukha, ginamit nila itong unique promotional tool para makahatak ng mas maraming customers.

Naging daan ang kanilang distinctive “couple look" para maraming netizens ang mag-follow sa herbal medicine business nila.

Read: Man fakes death to see how many will attend his funeral

WIFE DID NOT INSTANTLY NOTICE THEIR SIMILARITIES

Ibinahagi rin ni Liang na noong una silang nag-meet ni He, hindi niya napansing magkahawig silang dalawa.

Old photos of the couple
Ang lumang larawan ng couple. Para kay Liang (kaliwa), naging sobrang magkamukha sila ni He (kanan) dahil lagi silang magkasama mula nang ikasal. Photo: Douyin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Liang: “It was only after living together for several years that I slowly realized, we resembled one another more.

“For the past two years, we’ve been together almost around the clock, working, eating, and resting together.

“I guess that’s why we’ve become increasingly alike.”

Read: VIRAL: Driver lets child steer vehicle while seated on his lap

HUSBAND IS INTROVERT, BUT SUPPORTS WIFE’S CONTENT IDEAS

Mahiyain si He, isang introvert.

Aminado siya na noong umpisa ay nag-struggle siya sa pagko-cross-dressing sa camera.

Napahinuhod lang siya nang makita ang dedikasyon ni Liang sa pagre-research ng content ideas at pag-i-edit ng videos kahit abutan ng umaga.

Ani He, “If it helps the business, I’ll give it a try.”

Sa kanilang spare time, bumibisita ang couple sa herb-picking base nila para mag-shoot kung paano sila pumipili ng herbs.

Ipinapakita rin ang drying and packaging processes ng kanilang products.

Ang maganda sa content ng couple, pinaghahalo ang credible and educational information sa lighthearted comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbibigay rin sila ng practical health tips gaya ng tamang pagpili ng high-quality American ginseng at paggawa ng Wuji Baifeng Wan o Black Chicken White Phoenix Pill, isang traditional Chinese medicine for women's health.

Read: Man eats 3 kilos of gummies for 3 days; ends up in hospital

NETIZENS AMAZED BY COUPLE’S LIKENESS

Marami namang netizens ang nagpahayag sa Chinese social media ng pagkamangha sa pagkakamukha nina Liang at He.

Sabi ng isang nagkomento: “They don’t just look alike; they’re identical. Even the double chin folds match.”

Saad naman ng isa pa: “You two aren’t just lookalikes. You’re sharing one face!”

Suhestiyon tuloy ng isa pa: “Go get a DNA test! What if you’re actually long-lost siblings?”

Read: Newlyweds divorce over feuding pets

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa sobrang hawig ng mag-asawang Liang Caiyu at He Xiansheng, napapatanong tuloy ang netizens kung sino ba sa kanila ang mister at sino ang misis. (Photo: Douyin)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results