PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

No thumbs? No problem! Man shows what he can do

“I’m the living example that thumbs are optional.”
by KC Cordero
Published Sep 23, 2025
Qiao Aalbers showing his thumbless hands
Ipinakita ni Qiao Aalbers na kahit wala siyang hinlalaki sa magkabilang kamay, marami siyang kayang gawin. (Photo: Screenshot @qiaodi.aalbers on TikTok)

Si Qiao Aalbers, 26, ay ipinanganak na wala pareho ang dalawa niyang thumbs o hinlalaki sa kamay.

Peo hindi hadlang ito para matapos niya ang mga dapat gawin gaano man sila kahirap.

Aniya sa panayam ng Jam Press na nalathala noong September 17, 2025, “I’m the living example that thumbs are optional.”

Photo of Qiao Aalbers
Ipinapakita ni Qiao Aalbers ang kanyang magkabilang kamay na walang hinlalaki. Photo: Screenshot @qiaodi.aalbers on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbiro pa si Qiao na kaya niyang gawin ang lahat maliban sa mag-hitchhike.

Kung na-miss ninyo ang punchline, kailangan kasing mag-thumbs up kapag makikisakay o papara ng nagdaraang sasakyan.

Read: Cows painted with zebra stripes to keep flies away win award

MAN ADMITS BEING BORN WITHOUT THUMBS MAKES HIM FEEL INSECURE

Isinalarawan ni Qiao ang sarili bilang isang modest guy.

Sa kasalukuyan ay English tutor siya sa China, kung saan siya isinilang.

Noong four months old na siya, may umampon sa kanya.

Dinala siya ng foster parents sa Netherlands at doon na nanirahan.

Sa naturang panayam ay binanggit ni Qiao na hindi siya naging at home sa naturang European nation—bagaman at hindi na siya nag-elaborate kung bakit.

Aminado si Qiao na noong bata pa siya, ang kawalan niya ng magkabilang thumbs ay naging ugat ng kanyang insecurities.

Dahil sa madalas na pagbiyahe sa buong Europe at dami ng mga taong nakakasalamuha kasama ng mga umampon sa kanya, tumaas ang kumpiyansa niya sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Store owner almost loses arm after thief bites his hand

MAN CREATES SOCIAL MEDIA CONTENTS FEATURING HIS HANDS WITHOUT THUMBS

Sinimulan na rin ni Qiao na gumawa ng content sa social media kung saan tampok lagi ang kanyang walong daliri.

Mayroon siyang 18.8K followers at 2.7M likes sa TikTok.

Madalas siyang maging viral.

May mga videos siyang umaabot sa halos 9M views.

Ipinagmamalaki niyang nagagawa niya ang kung anu-ano nang walang prosthetics.

Ipinaliliwanag din niyang kusang nag-a-adapt ang kanyang mga daliri sa gagawin kahit kulang ang mga ito ng thumbs.

Qiao Aalbers showing things he can do
Tulad din ng kumpleto ang mga daliri, nagagawa ni Qiao Aalbers ang kahit ano gamit ang mga kamay. Photo: Screenshot @qiaodi.aalbers on TikTok
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa isang TikTok video ay nagbiro pa si Qiao na masyadong magaganda ang kanyang mga daliri kaya, “God decided to keep two for Himself.”

Kabilang sa mga nagagawa ni Qiao ang pagpapaikot ng flower vase.

Nakakapagbukas siya ng water bottle gamit ang index and middle fingers.

Naiinom naman niya ang laman ng bote habang kipkip ito ng kanyang four-fingered hand.

May nagagawa rin siya na hindi kayang gawin ng mga taong kumpleto ang mga daliri.

Naii-slip niya ang buong kamay sa container ng Pringles para kumuha ng chips.

Sa isang video kasama ang girlfriend, nagbiro rin siya Qiao na hindi siya dapat kaawaan ng mga tao dahil kaya niyang makalaya sa posas kahit walang susi.

Nakatatanggap din umano siya ng 20 percent discount sa manicures dahil wala siyang thumbs.

Read: Meet Max: Internet’s most human-looking dog

NETIZENS PRAISE THE MAN WITHOUT THUMBS

Maraming netizens ang natuwa sa positibong approach ni Qiao sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bulalas ng isang netizen: “I’m jealous of your Pringles can supremacy.”

Biro ng isa pa nang makita kung paano siya magbukas ng water bottle at uminom: “Thumbs up for you.”

Joke pa rin ng isa pa: “He can still give someone the middle finger and isn’t that the most important?”

May nagtanong sa kanya kung paano siya tumutugtog ng gitara, at matapat niyang sinagot ito na hindi niya alam laruin ang naturang musical instrument.

Read: Lawyer “Mark Zuckerberg” sues Facebook after he is banned

MAN ADMITS to BEING FRUSTRATED SOMETIMES BECAUSE HE HAS NO THUMBS, BUT…

Aminado si Qiao na may mga pagkakataong nakakaramdam siya ng frustration.

Sa isang video ay ipinakita niya kung paano nahirapan sa pagkakalas ng laso ng regalong nasa kahon.

May anxiety rin siya kapag may mga bagong kakilalang tao dahil hindi niya alam kung paano sila magre-react sa kanyang kapansanan.

Sa kabila ng mga limitasyon, sinabi ni Qiao na kung magising siya isang araw na kumpleto ang mga daliri, mas gugustuhin pa rin niyang wala siyang thumbs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sanay na raw siya, at para rin daw siyang nag-aaral muli na matutong lumakad.

Ani Qiao, sa loob ng 26 na taon ay nasanay na siyang mabuhay nang walang mga hinlalaki sa mga kamay.

“I’m not going to spend the next 26 [years] getting used to living with thumbs.”

Read: Writer becomes famous after NFL star caught reading his book

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakita ni Qiao Aalbers na kahit wala siyang hinlalaki sa magkabilang kamay, marami siyang kayang gawin. (Photo: Screenshot @qiaodi.aalbers on TikTok)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results