Paano kung ang kapangalan mo ay isang napakasikat na tao?
Siguro sa una ay masaya dahil sa name recall.
Pero hindi ganito ang nararamdaman ng Indiana bankruptcy lawyer na si Mark Zuckerberg.
Yup, kapangalan niya ang Facebook/Meta founder.
Read: VIRAL: Mark Zuckerberg painting nails of daughter
WHO IS ATTY. MARK ZUCKERBERG?
Ang lawyer na si Mark Steven Zuckerberg ay hindi ang Mark Elliot Zuckerberg na nagtatag ng Facebook.
Nakalagay ito bilang disclaimer sa kanyang official website.
Siya raw ang Indiana bankruptcy attorney na tumutulong sa mga taong masolusyunan ang kanilang problema sa pagkakautang.
Thirty-four years na siya sa propesyong ito.

Para sa kanya, napakasakit na desisyon para sa isang tao ang magdeklara ng bankruptcy.
Dahil dito, naging matiyaga siya sa pakikinig sa kuwento ng kanyang mga kliyente at mga taong nasadlak sa pagiging bankrupt.
Nagbibigay siya ng payo kung ano ang pinakamagandang legal option.
Kilala rin si Atty. Mark Zuckerberg bilang legal authority pagdating sa consumer bankruptcy issues.
Naitampok na siya sa New York Times at sa National Public Radio nang ilang beses.
Nag-guest na rin siya sa NBC Evening News, Business Week, at People mnagazine.
Madalas siyang maimbitahan para magbigay ng lecture tungkol sa bankruptcy.
Tumanggap na rin siya ng pagkilala mula sa iba’t ibang kumpanya at organisasyon.
In short, isa siyang abogadong de-kampanilya.
Read: Empleyadong nag-relocate sa Canada para mag-work sa Meta, nasibak after 2 days
THE DISADVANTAGES OF BEING FACEBOOK CEO’S NAMESAKE
Nang mauso ang Facebook, naging masalimuot na ang buhay ni Atty. Mark dahil kapangalan niya ang Facebook founder, ayon sa ulat ng news website na IndyStar last September 6, 2025.
Nakatatanggap siya ng daan-daang emails araw-araw mula sa mga taong nag-aakalang siya ang Meta chief executive officer.

Hindi rin siya makagawa ng reservation sa mga restaurant.
Kapag sinabi na niya ang kanyang pangalan sa kausap, pinagbababaan na siya ng linya dahil iniisip na isa siyang prankster.
At ilang pa lang ito sa kanyang naging predikamento.
Read: Pinay teenager, kahanay nina Bill Gates, Mark Zuckerberg sa 7 Famous Computer Programmers
MARK ZUCKERBERG, THE LAWYER, ALWAYS GETS BANNED ON FACEBOOK, INSTAGRAM
Ang higit na nakaikairiita kay Atty. Mark, lagi siyang naba-ban sa Facebook at Instagram.
Ito ay sa kabila ng pag-i-invest niya ng malaking halaga sa adverstisement sa naturang platforms.
Ang simpleng dahilan ng kanyang pagka-ban: kapangalan niya ang mas popular na Mark Zuckerberg.
Ayon kay Atty. Mark, simula noong 2017, ang kanyang advertising page sa FB at IG ay limang beses na na-disable.
Pinagbibintangan umano siyang ini-impersonate ang popular na Facebook founder.
Nakakairita aniya ito dahil ang kanyang pangalan ay matagal na niyang ginagamit sa loob ng napakahabang panahon.
Dagdag pa niya, nang magsimula siyang mag-practice ng bankruptcy law, three years old pa lang noon ang Facebook founder.
Read: Story of Jonel Alingco: the farmer who survived the supertyphoon
MARK ZUCKERBERG THE LAWYER SUFFERS FINANCIAL LOSS; ACCUSED OF IMPERSONATION
Napaka-ironic na bilang bankruptcy lawyer, si Atty. Mark mismo ang nawawalan ng kita dahil sa Facebook.
Umabot na sa US$11,000 ang pagkalugi niya sa ad fees dahil hindi siya nakakakuha ng refund kapag na-disable na ang kanya page.
"I didn't get the benefit of those advertising dollars.
"It would be like buying space on a billboard, them taking your money and then throwing a giant blanket over it."
Ganito naman ang natatanggap niyang mensahe mula sa FB kapag na-disable na ang kanyang page: “We removed your page because you’re trying to impersonate our founder.
“Nice try, fake Zuck!”
Hindi rin siya nagkaroon ng chance na patunayang Mark Zuckerberg ang kanyang tunay na pangalan.
Read: Daughter uses a month’s salary to grant dad’s dream hotel stay
MARK ZUCKERBERG THE LAWYER SUES META
Napuno na si Atty. Mark, at matapos ma-ban muli sa FB, idinemanda niya ang mas sikat na Mark Zuckerberg.
Ang mga abogado mula sa CohenMalad LLP ang naging kinatawan niya para sampahan ng kaso ang Meta sa Marion County Superior Court last September 2.
Inakusahan niya ang kumpanya ng negligence and breach of contract dahil sa laging pagde-deactivate sa kanyang commercial account dahil sa “unjust and improper reasons.”
Sa kanyang complaint, ibinahagi niya ang copy ng email thread mula 2020 bilang patunay na nakikipag-ugnayan na siya sa kumpanya simula pa noong 2017.
Sa isang email ay may quote si Atty. Mark na: “Also, if you happen to run into the younger, richer Mark Zuckerberg, tell him I said hi and he causes me great aggravation each day.”
Matapos magsampa ng demanda laban sa Meta, kinilala naman ng kumpanya ang bizarre situation.
Nangako rin ito na hahanap ng solusyon.
Ayon sa isang inilabas na pahayag ng Meta ukol sa isyu: “We know there are more than one Mark Zuckerberg in the world.
“We’re working to try to prevent this from happening again.”
Read: Wife uncovers husband’s affair via failed contraceptive e-payment
META ACTIVATES MARK ZUCKERBERG THE LAWYERa nd cagerb FACEBOOK ACCOUNT
Dalawang araw matapos magdemanda ni Atty. Mark, lumitaw muli sa Facebook ang kanyang account matapos ang apat na buwan na hindi niya ito naa-access dahil sa suspension.
Ayon sa tagapagsalita ng Facebook sa inilabas na pahayag sa media: “We have reinstated Mark Zuckerberg's account after finding it had been disabled in error.
"We appreciate Mr. Zuckerberg's continued patience on this issue and are working to try and prevent this from happening in the future."
Gayunpaman, kahit active na uli ang account ni Atty. Mark, hindi niya iaatras ang demanda.
Aniya sa inilabas na pahayag last September 5, naubusan na siya ng pasensiya.
"I don't have patience.
“My patience went away the last time they did this to me.
"This [Meta] is supposed to be one of the leading, most cutting-edge companies in the world.
“Surely they should be able to put some safeguards in place to ensure they quit shutting me down."
Ibinahagi rin niyang bukod sa kanyang business account, maging ang kanyang personal page ay na-deactivate din noon ng FB.
"They've shut my business account down four times and my personal account five times, so they've shut me down a total of nine times."
Read: Wife suffers depression after being seen naked by window cleaners
MARK ZUCKERBERG THE LAWYER'S WOES FOR BEING META CEO’S NAMESAKE
Ayon sa official website ng law firm ni Atty. Mark, dahil magkapangalan sila ng Meta CEO at sari-saring indulto rin ang kanyang natatanggap at kinakaharap.
Idinemanda siya ng State of Washington dahil sa mistaken identity.
Nakatatanggap ang kanyang opisina ng napakaraming tawag mula sa galit na galit na FB users na nagde-demand na may makausap na tech support.
Nang lumaganap ang Facebook scam na nangangakong magbibigay ng pera ang isang "Mark Zuckerberg," Hindi mabilang na emails at phone calls ang natatanggap niya mula kung kani-kanino sa buong magdamag.
Wala namang inilabas na pahayag ang Facebook sa hindi pag-aatras ni Atty. Mark ng reklamo laban sa kumpanya.
Read: Mom ends up at ER after popping pimple in “Triangle of Death”
