PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotto bettor finds out he hit the jackpot almost one year later

He almost missed claiming the US$24.1M prize.
by KC Cordero
Published Sep 8, 2025
The lotto prize
Nakaligtaan ng lotto bettor na tingnan kung nanalo ang kanyang ticket after ng draw. Makalipas ang isang taon, saka niya nalamang siya pala ang nanalo. (Photo: @essenceofblackculture on IG)

Noong May 25, 2016, nanalo si Jimmie Smith, residente ng East Orange, New Jersey, USA, ng US$24.1 million (PHP 1,368,518,500) mula sa New York Lottery.

Pero hindi niya agad nalaman na nanalo siya.

Batay sa ulat ng news website na Good Magazine last February 18, 2025, noong panahong iyon ay 68 years old na si Jimmie at isa na siyang retired security officer.

The lotto winner
Ang lotto winner na si Jimmie Smith. Photo: @essenceofblackculture on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinayaan niya ang kumbinasyong 5, 12, 13, 22, 25, at 35 noong May 23, 2016, sa isang grocery and tobacco shop sa 158 Church Street, na nasa Tribecca neighborhood sa Lower Manhattan.

“I always told myself, ‘I’ll check them when I have the time,'” ani Jimmie sa isang panayam sa kanya noon ng NJ.com.

Read: Man wins lotto; loses girlfriend and the money

LOTTO WINNER ALMOST MISSED THE ONE-YEAR DEADLINE TO CLAIM THE PRIZE

Obviously, nawalan si Jimmie ng oras na i-check ang kanyang lotto ticket.

Nang papalapit na ang one-year deadline noong May 2017, sinimulang iulat ng local news outlets na wala pang nagke-claim ng prize money.

Pag natapos ang one year deadline at walang nag-claim, forfeited na ang premyo.

Suwerte namang napanood ni Jimmie ang announcement sa TV dalawang araw bago ang deadline.

Naalala niyang may tinayaan nga pala siyang lotto ticket na hindi na niya natingnan kung nanalo ba o natalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad niyang hinalungkat sa closet ang shirt kung saan niya inilalagay ang mga lotto tickets.

Nang isa-isahin niya ang mga lotto tickets, hindi siya makapaniwalang siya pala ang masuwerteng nanalo ng unclaimed jackpot.

Read: Pinoy in Canada bags record-breaking PHP4.64B lotto prize

LOTTO WINNER NEEDED TO CONVINCE HIMSELF HE’S THE LUCKY WINNER

Pagbabahagi ni Jimmie sa media matapos mapabalitang siya ang may hawak ng lotto ticket, hindi siya makapaniwala.

“I stood there for a minute thinking, ‘Do I see what I think I see?'”

Nang mahimasmasan at matiyak niyang ang ticket niya ang may taglay ng winning combination: “I had to stick my head out the window and breathe in some fresh air.

“I was in serious doubt.

“I really had to convince myself this was real.”

Binanggit din niyang simula pa noong 1960s ay tumataya na siya sa lotto sa New Jersey at New York.

Nakaugalian din niyang hindi agad i-check kung tumama ang kanyang mga tickets.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: World’s luckiest man Frane Selak escapes death 7X, wins lotto

LOTTO WINNER CHOOSES LADDERED PAYMENTS

Hindi nagmadaling pumunta si Jimmie sa lotto office sa Manhattan para i-claim ang kanyang premyo.

Kinailangan pa raw niya ng konting oras "to clear out some cobwebs.”

Nang magpunta na siya sa Lottery Commission’s office bago ang deadline, ang naging desisyon niya ay hindi kunin nang buo ang premyo.

Pinili niya ang laddered payments sa loob ng 26 years.

Para sa mga financial experts noong mga panahong iyon, ang ginawa ni Jimmie ay “responsible choice.”

Ito rin umano ang ipapayo nilang gawin nito.

Para naman sa host ng Mad Money ng CNBC na si Jim Cramer, dapat ay kinuha agad ni Jimmie ang buong premyo.

Importante raw kasi ang time value ng cash at maraming magagawa para palaguin iyon.

Sa kabila ng payo ni Cramer, mas sinunod ni Jimmie ang kagustuhang i-spread out sa loob ng 26 years ang pagtanggap ng pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon kasi siyang dalawang anak at 12 apo.

Ayon sa lottery officials, binanggit ni Jimmie na plano niya at ng pamilya na magkaroon muna ng masinsinang pag-uusap kung ano ang gagawin sa pera, at napagkasunduan nilang pinaka-practical ang huwag itong kunin nang buo.

It makes sense, dahil ayon na rin sa ulat ng CNBC, kalimitan sa lottery winners ay nagdedeklara ng bankruptcy makalipas ang tatlo hanggang limang taon dahil sa kawalan ng financial plans at ng walang humpay na paggastos.

Bukod dito, sa laddered payment ay walang babayarang tax liabilities si Jimmie.

Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize

WHAT THE LOTTO WINNER’S STORY TELLS US

Ang kuwento ni Jimmie bagaman ay walong taon na ang nakalipas, pero madalas pa ring mag-circulate sa social media at patuloy na nakakapukaw ng interes ng mga netizens.

Isa itong paalala na kung tataya sa lotto, laging iingatan ang ticket at titingnan ang resulta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ng isang nagkomento, what if nakalampas ang deadline saka niya nalamang nanalo pala siya?

Paalala rin ito na gaya ni Jimmie, dapat maging maingat sa paghawak sa suwerte, lalo na sa mga malalaking pera na biglaang dumating.

Limang buwan matapos makumpleto ang requirements para ma-claim ang premyo, wala na ulit balita tungkol kay Jimmie.

Nawala na rin siya at ang kanyang pamilya sa dati nilang tirahan, ayon sa ulat ng Washington Post

Pero siguradong mas maginhawa ang buhay niya at ng pamilya.

Sa simpleng pagkukuwenta, sa loob ng 26 ay tatanggap si Jimmie kada buwan ng US$76,923 (PHP4,366,724.72).

Read: Couple that won billions in lottery ends 12-year marriage

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakaligtaan ng lotto bettor na tingnan kung nanalo ang kanyang ticket after ng draw. Makalipas ang isang taon, saka niya nalamang siya pala ang nanalo. (Photo: @essenceofblackculture on IG)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results