Content Warning: Animal Cruelty
Isang Mexican hairless dog na puno ng makukulay na tattoo ang naging kontrobersiyal sa ginanap na Pet Fair Asia sa Shanghai, China.
Sa unang tingin, inakala ng fair attendees na ordinaryong drawing lang ang nasa katawan ng aso.
Kaya ganun na lang ang pagkagulat nila nang malamang authentic ang tattoo.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post last August 28, 2025, isang fair attendee ang nag-post ng video, na nagsimulang mag-circulate sa social media ng China noong August 22.

Makikita rito ang aso na may dragon tattoo mula sa likod hanggang sa upper limbs nito.
Nakasuot din ito ng gold chain at may wristwatch sa kanang paa sa unahan.
Hindi matiyak kung ilang taon na ang aso, na sinasabing "one of the world's oldest and rarest breeds," ayon sa website na xoloitzcuintliclubofamerica.org.
Ang mga Mexican hairless dogs ay inilarawan ng mga dog websites bilang "intelligent, even-tempered, affectionate and playful."
Read: Zoo seeks animal donations as prey for predators
NETIZENS allegedly HEARd OWNER SAYING dog WAS GIVEN TATTOOS WITHOUT ANESTHESIA
Sa comments section, ibinahagi ng mga dumalo sa pet fair na ang mismong may-ari ng aso ang naghihikayat sa fair attendees na magpakuha ng picture.
Proud pa raw ito sa pagsasabing hindi sinaksakan ng anumang pampamanhid ang aso nung nilagyan ng tattoo.
Binuhat pa niya ang alaga hawak ang balat ng leeg saka sinabing: “See? It does not hurt at all. It feels nothing.”
Pero ayon sa mga netizens na present sa fair, nakita nilang sobrang distressed ang aso dahil sa ginagawa ng amo.
Saad sa isang komento, “It looked terrified the whole time.”

Dagdag ng isa pa, “It would not even eat snacks offered by other booth operators.”
May mga nakakita rin sa sugat ng aso sa mga paa nito.
At ang sabi pa umano ng dog owner sa fair attendees ay kaya niyang i-arrange na malagyan din ng tattoo ang mga alagang aso nila.
Ang pahayag na ito ay lalong ikinagalit ng mga animal rights activists.
Dahil sa reactions ng netizens, umaksiyon ang event organizers at inianunsiyong pagbabawalan na ang may-ari sa Mexican hairless dog na makapasok pang muli sa venue ng sikat na pet fair.
Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food
TATTOO ARTIST REGRETS INKING THE DOG
Nakausap naman ng Chinese media si Lv, ang artist na naglagay ng ink sa Mexican hairless dog.
Aniya, June 2024 pa nang gawin niya iyon.
Noong una raw ay tinanggihan niya ang request ng dog owner.
Pero nagpumilit umano ito at sinabi sa kanyang less sensitive sa pain ang Mexican hairless breed.
Nakailang balik ito sa kanyang shop hanggang sa pumayag ang tattoo artist na gawin ang procedure sa isang pet hospital.
Ani Lv, “He said the dog was like his child and would look cooler with a tattoo.”

Hindi naman niya naisip na ang paglalagay ng tattoo sa aso ay maikukunsiderang animal abuse—bagama’t nag-alala siya kung magiging mabilis ba ang recovery nito.
Gumamit siya ng disposable tools sa paglalagay ng tattoo sa aso.
Taliwas sa claim ng owner, sinabi ni Lv na sinaksakan niya ng liquid anesthetic injection ang aso bago niya ito nilagyan ng ink.
Sinabi rin niyang sa kabuuan ng proseso, laging kino-comfort ng owner ang aso.
May nakaantabay ring veterinarian para sa disinfection.
Nang malaman ni Lv na nabatikos ang paglalagay ng tattoo sa aso, humingi siya ng dispensa.
“I sincerely apologize for any harm caused to the dog or to viewers online.
“It was unintentional.”
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
TATTOO ARTIST ALSO earns THE IRE OF NETIZENS
Matapos lumantad ni Lv, maging siya ay nakagalitan ng netizens.
Isang kapwa tattoo artist niya ang hindi makapaniwalang nagawa niyang saktan ang aso.
Kung ang tao umano ay napapaluha dahil sa sakit, ang aso pa kaya?
Paliwanag nito: “Areas with thinner skin, like the wrist, are more painful because there is less fat and muscle, and more nerve endings.
“Tattoos in those areas are significantly more painful.”
Sa galit ng isang netizen sa pet owner at kay Lv, sambit nito: “What do you mean by low pain sensitivity?
“If I inject you with anesthetic and slice you open, would that be OK too?”
Para naman sa isa, ang paglalagay ng tattoo sa aso ay malinaw na porma ng animal abuse.
“Even with low pain tolerance, it still hurts.
“You are just taking advantage of the dog’s inability to speak!”
Isa pang galit na netizen ang nagkomento ng: “What a horrible person.
“The poor dog is so unlucky to have ended up with someone like this.”
Ang Wild Animal Protection Law ng China ay nagkakaloob ng legal protection sa wildlife, pero ang domestic and stray animals ay nananatiling unprotected kaya marami sa mga ito ang naaabuso.
Iniulat naman ng iMedia Research na napakabilis ng paglago ng pet industry ng China.
Ngayong 2025, tinatayang aabot ang market value nito sa 811 billion yuan o PHP6,530,944,072,000.
Ang iMedia Research ay isang global third-party data mining and analysis organization for the new economy.
Read: Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words
