PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Customer sets cafe-bar on fire after being denied of mayonnaise

The owner describes the incident as “surreal.”
by KC Cordero
Published Aug 27, 2025
Sandwiches and mayonnaise
Nagalit ang lalaking customer nang malamang walang mayonnaise sa cafe-bar para sa inorder nitong sandwich. Dahil doon, sinindihan nito ang establisyemento matapos buhusan ng flammable fluid. (Photo courtesy of Sunday Supper Movement)

Sinunog ng isang galit na galit na lalaking customer ang isang café-bar sa Los Palacios y Villafranca, Spain.

Ang dahilan: sinabihan ito ng staff na walang mayonnaise.

Naganap ang insidente noong gabi ng August 20, 2025, ayon sa ulat ng news website na Metro.

Hindi na tinukoy ang pangalan ng customer.

Tinatayang mahigit 50 anyos ang edad nito.

The moment the angry customer sets fire on cafe-bar
Ang screenshot mula sa CCTV nang biglang pag-apoy ng cafe bar matapos sindihan ng galit na customer. Photo: @postaslospalacios on IG
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa ulat, kasama ng customer ang anak na lalaki nang pumasok sa cafe-bar. Nag-order ito ng ng dalawang sandwiches.

Makikita sa surveillance camera na tumayo ito at lumapit sa isa sa mga waiters para humingi ng mayonnaise.

Pero sinabihan siya ng waiter na naubos na.

Nagsabi ito sa isa pang waiter, pero ganun din ang nakuha nitong kasagutan.

Read: Wallet lost under Ford’s hood returned to owner 11 years later

CUSTOMER GETS FLAMMABLE FLUID FROM NEARBY GAS STATION

Lumabas ang customer sa cafe-bar.

Nagpunta ito sa kalapit na gas station, at nang magbalik ay may hawak nang isang bote ng petrol.

Sa ulat ng local media, muli itong nagtanong sa mga waiter kung may mayonnaise, na favorite sauce umano niya.

Nang sumagot ang mga waiter na wala talaga, ibinuhos nito ang isa’t kalahating litrong flammable fluid at sinindihan.

Nagkataong puno ng customers cafe-bar nung mga oras na iyon.

Nang makitang nasusunog ang establisyemento, nagtakbuhan sila palabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang galit na galit na mayonnaise-loving customer ay kumaripas.

Maagap namang nakakuha ang mga staff ng fire extinguishers at mabilis na naapula ang apoy.

Read: Jeepney driver apprehended for placing live rooster on the hood

CUSTOMER ARRESTED, SUFFERs BURNS IN HIS LEFT ARM

Kasunod ng naganap na insidente, tinugis ng mga pulis ang mayonnaise-loving customer.

Agad din itong nasakote.

Napag-alamang nagkaroon ng malaking paso ang kaliwang kamay nito.

The angry customer's left hand caught by fire
Kita sa CCTV na nadilaan ng apoy ang kaliwang kamay ng galit na customer. Photo: @postaslospalacios on IG
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Aksidenteng nadilaan iyon ng apoy ng sindihan niya ang ibinuhos na flammable fluid.

Sinampahan na ito ng mga pulis ng reklamo.

Para naman sa management ng café-bar, ang insidente ay masyadong “surreal.”

Sino raw ba ang mag-aakalang may magtatangkang sunugin ang establisyemento dahil lang sa mayonnaise.

Pinuri naman ng management ang staff sa maagap na pag-apula sa apoy.

Gayunpaman, umabot din sa US$9,500 (PHP540,948.98) ang halaga ng naging pinsala.

Masuwerte namang walang nasaktan o nasugatan sa mga kumakain at umiinom nang mga oras na iyon—maliban sa nagalit na mayonnaise-loving customer.

Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food

WHY THE CAFÉ-BAR HAS NO MAYONNAISE

Sa panayam ng Spanish media, nagpahayag ang may-ari ng café-bar na si Jose Antonio Caballero ng pagkadismaya sa inasal ng customer dahil lang sa maliit na bagay.

Kahit pa sabihing paboritong sauce ng customer ang mayonnaise, hindi raw sapat na dahilan iyon para maabala ang kanyang negosyo at magulantang ang buong komunidad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag naman niya kung bakit walang mayonnaise, ino-order nila sa iba ang kanilang sandwiches.

“The bar didn't have a kitchen, and the sandwiches came ready-prepared, and we didn't have sauces.

"At that moment, he walked to the garage opposite, returned to the bar with a bottle in his hand which we discovered afterwards had petrol inside, and asked the first waiter, 'Are you sure there's no mayonnaise?' without giving him time to reply."

Sinabi rin niyang kabilang sa mga kumakain sa loob nang maganap ang insidente ay mga bata at matatanda na napilitang tumakbo palabas nang makita ang apoy.

Sambit ni Jose, “Imagine if someone had been hurt.

“There’s no explanation for what he [angry customer] did.”

Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagalit ang lalaking customer nang malamang walang mayonnaise sa cafe-bar para sa inorder nitong sandwich. Dahil doon, sinindihan nito ang establisyemento matapos buhusan ng flammable fluid. (Photo courtesy of Sunday Supper Movement)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results