Isang jeepney driver ang nasita ng Department of Transportation (DOTr)-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) habang namamasada sa Taft Avenue, Pasay City, noong umaga ng August 14, 2025.

May nakapatong kasing tandang na manok sa ibabaw ng hood ng minamaneho nitong jeepney.
Nang kuwestyunin ng mga awtoridad, sinabi ng jeepney driver na hindi na pinangalanan, na 10 years na niyang kasa-kasama ang manok sa pamamasada.
Read: Tiny but mighty! Small dog chases off bear over food
JEEPNEY DRIVER CLAIMS THE ROOSTER SERVES AS HIS LUCKY CHARM
Ibinahagi rin ng jeepney driver na nagsisilbing lucky charm o pampabuwenas ang manok, ayon sa ulat ng DZMM Teleradyo.
Regalo umano ito sa kanya ng namayapang ina.
Ayon sa jeepney driver: "Naaalala ko yung nanay ko kapag kasama ko siya [manok].
“Pampabuwenas. Parang gabay ko siya.
"Mahal ko ang manok ko, may sentimental value iyan."
Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run
Ang DOTr-SAICT ay nagsasagawa ng "Random Road Worthiness Inspection” ng mga pampublikong sasakyan para sa mga kaligtasan ng mga pasahero.
Nilinaw ng mga ito na sinita ang jeepney driver hindi dahil sa manok.

Pudpod na kasi ang reserbang gulong ng minamaneho nitong old model ng dyipni.
Hindi rin gumagana ang brake lights.
Gayunpaman, ipinaalala nila rito na nakasasagabal sa paningin nito ang manok na nasa hood.
Ipinatanggal nila iyon dito.
Read: Claire Castro defends Vice Ganda’s "jet ski holiday" joke
Netizens say the jeepney driver's actions toward the rooster are animal cruelty
May concerned netizens na nagsabing animal cruelty ang ginagawa ng jeepney driver sa manok.
Exposed umano ito sa mga elemento sa pagbiyahe gaya ng init ng araw at ulan, bukod pa ang stress na nararanasan nito habang nasa ibabaw ng hood.
May mga nagsabi ring nasakyan na nila ang naturang jeepney.
Minsan daw ay sa manibela ito nakapatong habang nagmamaneho ang driver.
Ilan din ang nagsabing hindi sila naniniwalang 10 years na ang manok sa hood.
Tingin nila, nasa tatlo hanggang limang taon pa lang ito.
Ang lifespan ng manok ay nasa lima hanggang 10 years.
Kung titingnan ang manok, maoobserbahang medyo bata pa ito.
Read: UPDATE: Dog at LRT station rescued, adopted by concerned netizen
