PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run

He simply wants to cure his hangover.
by KC Cordero
Published Aug 13, 2025
Photos of drunk man when he joins the race
Hindi alam ng lalaking lasing kung bakit siya nakitakbo sa eight-kilometer running race suot lang ang flip-flops. Aniya, gusto lang niyang magtanggal ng hangover. (Photo: Soy Maratonista)

Homeless ang Brazilian na si Isaque dos Santos Pinho.

Thirty-one years old, residente siya ng Garrafão do Norte, isang munisipalidad na sakop ng estado ng Pará sa Brazil.

Last July 27, 2025, isang hindi inaasahang pangyayari ang bumago sa buhay ni Isaque.

Natagpuan niya ang sariling nasa starting line ng eight-kilometer running race.

The drunk man joining the race
Si Isaque dos Santos Pinho nang makisali sa isang race habang may hangover at nakasuot lang ng flip-flops. Photo: Belem.com.br
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala siyang idea kung bakit naroroon siya sa pila ng mga tatakbo.

Kagagaling lang niya sa inuman, nakatulog saglit, at nagising nang may hangover pa.

Ni hindi siya nagpalista sa gaganaping race.

Higit sa lahat, nakasuot lang siya ng flip-flops o tsinelas—hindi gaya ng ibang kalahok na naka-running shoes at kumpleto sa gear.

Read: Couple sells wedding tickets; earns PHP7.5 Million

DRUNK MAN GIVES HIS ALL IN THE RACE

Nung ibigay na ang hudyat para magsimula ang running race, kasama si Isaque sa kumaripas ng takbo papuntang finish line.

Nakunan ng footage sa pamamagitan ng drone kung paanong tulad ng ibang participants ay ibinuhos niya ang lahat para makarating sa dulo.

The drunk man at the heat of the race
Todo-bigay si Isaque sa pagtakbo kahit halos mawalan ng balanse dahil sa pagkalasing. Photo: 111 Next
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil may live coverage sa social media ang event, na-curious ang mga Brazilian kung sino itong nakikipagkarera na nakasuot lang ng flip-flops.

Halata ring lasing siya dahil pagewang-gewang habang tumatakbo.

Read: VIRAL: Photo of orphan lying in mother's chalk outline

DRUNK MAN FINISHES RACE, RECEIVES MEDAL

As expected, napag-iwanan si Isaque ng mga kalahok sa running race.

Gayunpaman, natapos niyang takbuhin ang walong kilometro kahit may hangover at pagewang-gewang.

Photo of Isaque holding the medal
Kinilala ng organizers ng event ang achievement ni Isaque kahit hindi siya nakalista sa running race bilang official participant. Photo: G1 Globo
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit hindi official participant dahil hindi naman siya nakalista at nakitakbo lang, binigyan pa rin siya ng organizers ng complementary medal.

Read: 20-year-old man builds "country" with 400 citizens

Video of Drunk Man Running a Race in Flip-Flops Goes Viral

Nag-viral ang video ng paglahok ni Isaque sa running race.

Hinanap siya ng mga taga-media.

Sa isang panayam sa kanya ng Brazilian news outlet na Globo, sinabi niyang lasing talaga siya nang makita ang hugos ng mga taong lalahok sa running race.

Ang naisip umano niya, sasali siya at baka sakaling mawala ang kanyang hangover pag tumakbo at pinagpawisan.

Read: Man chooses country to travel to by throwing dart at world map

BACKSTORY OF DRUNK MAN; ADMITS HE’S ALCOHOLIC

Dahil sa naging interes ng media kay Isaque, nakalkal ang kanyang pagkatao.

Napag-alamang sa Capitão Poço siya ipinanganak, na isa ring munisipalidad sa state ng Pará.

Ang kanyang ina ang tanging nagpalaki kay Isaque dahil inabandona sila ng kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi niyang ang kahirapan sa buhay ang naging dahilan kaya siya nagumon sa alak at naging alcoholic.

Naging palaboy siya, walang sariling tahanan, at pakalat-kalat sa Garrafão do Norte.

Read: Google to pay PHP715K to man captured naked by Street View camera

DRUNK MAN NOW TAKES RUNNING SERIOUSLY, TRAINS DAILY

Ang biglang pagsikat ni Isaque sa social media ang naging daan para mabago ang takbo ng kanyang buhay.

Iginawan siya ng concerned netizen na si Estela Larizzieri ng online profile.

Si Estela rin ang nag-post ng viral video ni Isaque nang lumahok sa running race nang lasing at naka-flip-flops.

Nang maging active na ang online profile ni Isaque, nagsimula siyang makatanggap ng mga donasyon.

The drunk man now
Sineseryoso na ngayon ni Isaque ang pagtakbo. Photo: Soy Maratonistas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagkaloob sa kanya ng running shoes, mga damit, at specialized running glasses.

Ilang professional runners ang nag-imbita sa kanya para i-train ng mga ito.

Inanyayahan naman siya ng Garrafão do Norte municipality para lumahok sa mga susunod pang gaganaping running events.

May feature din sa kanya ang website ng municipality na nagsasaad ng: “After completing an 8-km running race in flip-flop last weekend, Isaque resonated throughout Brazil.

“He is now frequently seen training on the streets of our city.

“We are delighted by this story and hope this moment marks the beginning of a new, transformative, and beautiful cycle in Isaque’s life.”

Read: YouTuber converts Fiat Panda into slim, one-seater electric car

Concerned citizens chip in to give the drunk man a place he can call home

Ibinahagi ni Estela sa Globo na siya at ang iba pang social activists ay nagtutulung-tulong para hindi na magpakalat-kalat si Isaque sa mga kalye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layunin nilang maihanap o maipagpatayo ito ng sariling tahanan.

Sinabi naman ni Isaque na mula nang lumahok siya sa running race, huminto na siya sa pag-inom ng alak.

Aniya, nagagawa na niyang baguhin ang kanyang buhay ngayon at determinado siyang mas mapaganda pa iyon.

Napakarami rin umano niyang natatanggap na advice.

Sambit niya sa Brazilian media sa kanyang pagbabagong buhay: “I’ll never give up.”

Read: NETIZENS REACT: Plane passenger clips toenails mid-flight

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi alam ng lalaking lasing kung bakit siya nakitakbo sa eight-kilometer running race suot lang ang flip-flops. Aniya, gusto lang niyang magtanggal ng hangover. (Photo: Soy Maratonista)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results