PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NETIZENS REACT: Plane passenger clips toenails mid-flight

Toenail clippings are scattered on the plane’s carpet.
by KC Cordero
Published Jul 25, 2025
Someone cutting toenails
Nandiri ang isang flight attendant nang makita ang mga ginupit na kuko sa paanan ng isang plane seat. Ilan lang aniya ito sa disgusting attitude ng ilang passengers na walang modo. (Photo courtesy of Freepik)

Unhygienic and also unsafe ang paghuhubad ng sapatos o anumang suot sa paa habang nasa plane.

Last July 7, 2025, nag-post ng video sa TikTok ang cabin crew member na si Leanna Coy, isang Connecticut-based flight attendant.

Makikita rito ang carpeted floor sa ilalim ng isang upuan.

Sa overlay text, may "trigger warning," at sa caption, nakasaad: “Those are toenails.”

Screenshot of TikTok video
Ang screenshot ng TikTok video ng flight attendant. Photo: @leannacoy on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Leanna ang naglinis sa mga kukong nasa sa sahig.

Aniya, “The passenger clipped their toenails mid-flight and left them.”

Nakakadiri umano ang ginawa ng salarin at dapat daw magpatupad ang mga airline companies ng patakaran na bawal maggupit ng kuko habang sakay ng eroplano.

Dapat ding parusahan ang sinumang mahuhuling gumagawa nito.

“If I become president one day, I’m making bare feet illegal.”

Read: Japan recalls China-made toy guns that can fire real bullets

NETIZENS REACT TO PLANE PASSENGER’S DISGUSTING ACT

Matapos i-post ang video ng mga ginupit na toenails, maraming netizens ang nag-react.

Nagkakaisang komento ng mga ito: “Disgusting!”

“Straight to jail,” ang bulalas ng isang napanood ang video ni Leanna.

Sambit ng isa, dapat i-ban na sa pagsakay sa eroplano ang sinumang mahuhuling naggugupit ng kuko habang nasa flight.

Toenail cliippings
"Disgusting" ang ginawang paggugupit ng kuko habang nasa flight, ayon sa netizens.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May nagpakita naman ng simpatya sa mga kapasahero ng culprit.

Kung siya umano ang katabi, baka nasuka na siya sa pandidiri lalo na kung sa kanya tatalsik ang ginupit na kuko.

“What dirtbag did this?” tanong ng isa pa na nag-add ng vomit emoji.

May nag-suggest kay Leanna na dapat ay hinanap niya sa flight manifesto ang pangalan ng culprit at ibinalandra sa internet.

Ang naging sagot dito ng flight attendant, “Wasn’t me!”

May nagtanong din kung nagbibiro lang si Leanna.

Sagot niya, “Unfortunately not.”

Karamihan sa TikTok videos ni Leanna ay pagkondena sa mga plane passengers na may attitude.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong nag-viral ang video dahil sa pagkukuko mid-flight.

Last February, nag-post ang The Mirror sa Instagram account nito ng isang nanay na ginugupitan din ng kuko ang anak habang nasa himpapawid.

Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nandiri ang isang flight attendant nang makita ang mga ginupit na kuko sa paanan ng isang plane seat. Ilan lang aniya ito sa disgusting attitude ng ilang passengers na walang modo. (Photo courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results