Nakaka-frustrate kapag nawala o nakalimutan kung saan nailagay ang mga bagay na ginagamit araw-araw gaya ng susi, smartphone, o kaya ay wallet.
Pero mas masaklap kung ang nawawalang bagay na ilang araw nang hinahanap ay nasa tabi lang pala at hindi napapansin.
Ganito ang nangyari sa wallet ng isang relative ng Reddit user na si Patient_Doughnut_327, na nag-post noong June 30, 2025.

Dalawang araw hinanap ang wallet—na nasa sahig pala ng bathroom.
Hindi iyon nakita ng relative ni Patient_Doughnut_327 kahit ilang beses na naglabas-masok doon.
Perpektong nag-blend kasi ito sa tile pattern ng bathroom floor.
Read: Lost wallet in 1958 returned to owner's family in 2023
OWNER DID NOT RECOGNIZE WALLET ON the BATHROOM FLOOR
Finally, nung napansin ng relative ni Patient_Doughnut_327 ang wallet, natawa na lang ito.
Eksakto kasi ang pagkakabagsak ng nakatuping wallet sa black tile, na bukod sa kakulay ay kasukat pa.

Hindi nakapagtatakang hindi ito napansin dahil sa optical illusion.
Kung titingnan kasi ang sahig, mapagkakamalang tile ang wallet dahil sa naging posisyon nito.
Read: Parrot learns to order online and buys snacks
NETIZENS' reactions
Ang post ni Patient_Doughnut_327 ay nakakuha ng 27K uptick votes.
Kahit ang mga netizens ay nahirapang makita agad ang wallet.
Anang isa: “I literally didn't register that it was supposed to look like the floor pattern until I got to the comments.
“I was so confused; I was like, ‘So they just didn't see the wallet sitting on the floor in the open for two days?"
Sambit ng ng isa pang Redditor, “It really blends in.”
May nagkomento rin ng: “As a dude, most of our wallets are just big black squares. So, it’s immediately where my mind went on this one.”
Ang iba ay madali namang nakita ang wallet sa photo.
“It took me a minute to find it, but damn that is crazy how it landed.”
May nagsabi namang agad nitong tiningnan ang bathroom floor dahil nagka-idea na itong sa sahig nalaglag ang wallet.
“That is a perfectly mildly infuriating placement for a black wallet.”
Read: Woman’s number listed on lost cat shirt gets flooded with calls
