PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

YouTuber highlights unbelievably pointed chin in viral videos

He is dubbed “the YouTuber with the world’s longest chin.”
by KC Cordero
Published Jul 19, 2025
Photos of YouTuber with long, pointed chin
Sa halip na ikahiya ang kanyang mahaba at matulis na baba, ginamit iyon ng YouTuber para makilala sa social media. (Photos: @Jonouchich1 on YT)

Isang Internet celebrity sa Japan ang content creator na nakilala sa handle na @Jonouchich1 at tinaguriang “the YouTuber with the world’s longest chin.”

Kakaiba kasi ang haba at tulis ng kanyang baba.

YouTuber's current photo
Ang Japanese YouTuber na may mahabang baba. Photo: @Jonouchich1 on YT

Dahil dito, madalas tuksuhin si @Jonouchich1 mula pagkabata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinukumpara siya sa mga Manga characters.

Pero ginamit niya ang pointed chin para makilala sa social media.

At ang kanyang handle ay bilang pagbibigay-pugay sa Yu-Gi-Oh! character na si Katsuya Jonouchi, na may playful approach pagdating sa anyo nito.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang mahigit 349,000 subscribers sa YouTube.

Read: Bright green pigeon in England attracts tourists

YOUTUBER’S CHIN, DUE TO GENETIC FACTORS?

Sa isa niyang video ay ipinakita ang X-Ray result ng kanyang baba.

Nag-viral ito sa Japan.

May mga medical professionals pa ngang nagsabi na noon lamang sila nakakita ng ganoong korte ng baba, na ayon sa kanila, ay sanhi ng genetic factors.

Read: Phone case feels like human skin; gets sunburned in sunlight

Nabanggit naman ni @Jonouchich1 na ang akala niya dati, humaba ang kanyang chin dahil sa sobrang takaw niya sa gatas noong bata pa siya.

Baka aniya nasobrahan ng calcium kaya humaba ang buto.

Pero hindi ito kinatigan ng medical professionals kahit pa siya lang sa pamilya ang may pointed chin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
YouTuber at age three
Ang larawan ng YouTuber noong three years old pa lang ito. Photo: @Jonouchich1 on YT

Noong three years old siya, normal pa raw ang hitsura ng kanyang baba.

Una umano niyang napansin na nagiging matulis ito nang sumapit siya sa edad na lima.

At bukod sa panunukso, lagi siyang nababasted ng mga babaeng nililigawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero tila hindi na affected ang binata.

YOUTUBER'S CHIN, NOW A PERSONAL BRANDING

Sa ulat ng news website na bolnews.com last July 17, 2025, ang strikingly elongated and sharply pointed chin ni @Jonouchich1 ang kanyang naging signature feature.

Ang dapat na kapintasan niya sa paningin ng ibang tao ay naging pinakamahalagang aspeto ng kanyang personal branding.

Naging visual element ito ng YouTube videos ni @Jonouchich1—na humatak ng interes ng netizens—na either curious sa kanyang baba o sadyang humahanga talaga.

Read: Woman hasn’t removed make-up in 22 years; see what happens

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa halip na ikahiya ang kanyang mahaba at matulis na baba, ginamit iyon ng YouTuber para makilala sa social media. (Photos: @Jonouchich1 on YT)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results