Nakunan ng mga residente ng Northampton, England, ng video ang isang kulay bright green pigeon.
Iniulat ito ng news website na The Bangin Beats last July 12, 2025.

Ang kakaibang kalapati ay pinagkakatuwaan ngayon sa neighborhood.
Una itong namataan sa area last June.
Maraming netizens ang nakakuha ng video ng pigeon, at ini-upload sa iba’t ibang social media platforms partikular sa TikTok.
Read: VIRAL: Mother elephant tries to save calf hit by truck
TOURISTS FLOCK TO AREA TO SEE BRIGHT GREEN PIGEON
Ayon sa mga residente sa lugar, dumami ang turistang bumibisita sa kanilang area para lang makita ang bright green pigeon.
Pahayag ng residenteng si resident Alex Zambon sa community paper na Northampton Chronicle & Echo: "One guy said he'd come up from London, and I've heard many travels long distances to see it.”
Kakatwa aniya ito dahil ang Northampton ay hindi naman talaga pinupuntahan ng mga turista.
Sambit pa ni Alex, “So to have a pigeon as a tourist attraction is quite funny really."
Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog
MEDIA CONFIRM VIDEOS AND PHOTOS OF BRIGHT GREEN PIGEON ARE AUTHENTIC, NOT AI-GENERATED
Matapos namang mag-viral sa social media ang videos and photos, may mga nagkomentong baka naman ginawa ito gamit ang artificial intelligence.
Puwede rin umanong niretoke lang ang kulay gamit ang computer apps.
Pero may mga taga-media na sinadyang puntahan ang ibon para mapatunayang nag-i-exist ito.

Natagpuan nila ito sa harapan ng All Saints Church, kasa-kasama ng ibon ang ilang kalapati.
Naobserbahan ding normal ang paglipad nito, at walang anumang iniinda sa katawan.
Read: Meet King Kong: World's tallest living water buffalo
BIRD MAGAZINE EDITOR SUSPECTS SOMEONE DYED THE BRIGHT GREEN PIGEON’S FEATHERS
Kakatwa ang bright green pigeon sa Northampton, pero para kay Mike Alibone, ang optics editor ng Birdwatch Magazine, mukhang hindi authentic ang kulay nito.
Paliwanag niya sa panayam ng BBC: "There is no wild pigeon in the world that looks like this.
"It certainly looks as if it has been dyed and the green coloring is too artificial."
Naniniwala rin umano si Mike na hindi factor ang kinakain o diet ng pigeon para magkaroon ng pagbabago sa kulay ng balahibo nito.
Halimbawa, ang flamingos ay nagiging kulay pink dahil sa pagkain ng hipon.
Coloring an animal’s skin is against the law
Ang pagkukulay sa balahibo ng mga hayop ay labag sa batas ng maraming bansa at itinuturing na isang anyo ng animal cruelty.
Bago pa man ang balita tungkol sa bright green pigeon, nauna nang nagbabala ang Royal Society for the Prevention of Cruelty to Animals (RSPCA) laban sa trend na kinukulayan ang balahibo ng pigeons ng blue o kaya ay pink kapag may gender-reveal parties.
Ang RSPCA ay isang charity organization sa England at Wales na nangangalaga para sa kapakanan ng animals sa United Kingdom.
Dedicated ito sa pag-rescue, pag-rehabilitate, and pag-rehome ng mga hayop na inaabuso, pinabayaan, o inabandona.
Ayon sa tagapagsalita ng RSPCA, ang pagti-trending ng bright green pigeon sa social media ay may potential harm sa ibon.
Baka dumami raw kasi ang mag-dye ng mga feathers.
Anito: "Dye and paint can be toxic to birds and other animals, and they would be likely to try to clean any such substance from their feathers which could result in them swallowing it.
"Until its next molt, this pigeon will likely be more at risk in the wild."
