Kamakailan ay lumabas ang ulat tungkol sa kasal ng isang mayor at isang buwaya sa Mexico.
Pero hindi pala ito ang unang beses—dahil taun-taon ay may nagaganap na ganitong kasalan sa naturang Latin country.
Isa kasi itong lumang tradisyon na 230 years nang ginagawa sa bayan ng Oaxaca state, isang rehiyon sa southern Mexico.
Ang seremonya ay simbolo ng pagkakaisa at kasaganahan.
At hindi talaga totoong pinapakasalan ng alkalde ang isang caiman, isang alligatoroid at kamag-anak ng buwaya na matatagpuan sa Central at South Amerika.
MAYOR MARRIES CAIMAN
Kamakailan lang, "ikinasal" si Daniel Gutierrez, mayor ng San Pedro Huamelula, sa reptile na pinangalanang si Miguelana Estela del Mar Zavaleta Ramirez.
Gaya ng nakagawian, ang buwaya ay dinamitan ng puting wedding gown at ipinarada sa bayan sa saliw ng musikang tinugtog ng banda.
Nakatali ang bibig ng reptile para matiyak na walang aksidenteng mangyayari sa araw ng “kasal.”
Ang seremonya ay pagsulong sa pagkakaisa ng dalawang magkaibang tribo.
Natatapos ito sa paghalik ng mayor sa nguso ng buwaya bilang simbolo ng pagmamahal at katapatan niya sa kinabibilangang ethnic group.
Kadalasan, ang piyesta ay nagtatagal ng tatlong araw.
Read: PBB: Celebrity Collab Big Night highlights
A Tradition That Has Lasted for Centuries
Ang tradisyon ay hango sa lumang alamat sa rehiyon ukol sa pagkakaisa ng Chontal at Huave tribes.
Ang mayor ay kinatawan ng Chontal king, habang ang buwaya ay kinatawan ng Huave princess.
Ang pag-iisang dibdib ng hari at prinsesa ang siyang nagtapos sa hidwaan ng dalawang tribo.
Makalipas ang daan-daang taon, ipinagpapatuloy ang tradisyon at nagkaroon na ng ibang mensahe para sa mga residente.
"For us, it's a ritual in which we ask mother earth and our creator for abundance in our harvests, fishing, and every product our region can offer," sabi ng residenteng si Luis Manuel Lopez, ulat ng Reuters nitong July 4, 2025.
Sabi naman ni Mayor Gutierrez: "Huamelula is so rich in tradition and culture that today, like every year, Huamelula is in the eyes of the world."
Read: Controversial personality, nagpapatayo ng mansyon para kay mestisang aktres
