Kadalasan, K-9 dogs ang katuwang ng law enforcers para masigurado ang security sa mga public places.
Ginagawan rin silang bantay sa mga penitentiary at prison.
Pero ibahin ang Sao Pedro de Alcantara penitentiary sa Santa Catarina, isang remote state sa Southern Brazil.
Para sa higit 12,000 prisoners ng maximum-security prison, ang mga gansa ang piniling added layer of security.
Nakakalat din ang higit 200 CCTVs sa mga towers pati na rin roving guards.
Ang mga gansa ang first line of defense laban sa mga bilanggong magtatangkang tumakas, at nakapuwesto sila sa madamong parte ng prison territory, sa pagitan mismo ng mataas na pader ng kulungan at bakod sa labas.
“It’s never happened, but if someone tried to escape, the geese would go crazy. They would get our attention without a doubt,” ani Maros Coronetti, isang prison guard.
Sampung taon nang kasama ni Coronetti ang mga gansa sa pagbabantay sa penitentiary, ayon sa report ng TRT World, isang Turkish public broadcaster, noong July 2024.
Pero 15 years na sa paninilbihan ang mga “guard geese."

Read:
- Swearing parrots draw crowds at a wildlife park in England
- Life story of Chris Estrella: from seminarian to aircon cleaner to owner of 16 houses in Canada
WHy GEESE MAKE GOOD GUARDS
Pero bakit pinili ng bilangguan na palitan ang mga guard dogs ng mga gansa?
Sabi ng prison guard, matrabaho raw kasi ang maintenance ng guard dogs.
Kailangang regular na dinadala ang mga ito sa mga veterinarian, kailangan ng training, at kailangan ng atensiyon.
Samantalang ang mga gansa, ani Coronetti: “They’re not expensive. They make much more of a ruckus than the dogs, and they have no time off.
“They are far better prepared than dogs for this job of surveillance.
“They are always alert. It’s 24 hours of round-the-clock surveillance.”
Binanggit sa report na ang guards ay sentinel geese.
Ayon kay Guilherme Renzo Rocha Brito, isang zoologist sa Federal University of Santa Catarina, ang breed na ito ay "domesticated and have been used for this purpose for a long time."
Bakit sila effective as guards?
Dagdag ni Brito: “They are animals that vocally signal any disturbance in the environment.”
GEESE HAVE BEEN USED AS ALARMS SINCE ANCIENT TIMES
Nagsimulang ang naturang bilangguan na gumamit nng siyam na gansa noong 2009, ayon sa report ng American news and lifestyle show na CBS Morning in February 2025.
Maganda raw silang gawing bantay dahil ang mga ito ay “territorial by nature” at “vigilant.”
Asahang mag-iingay sila kapag nabulabog ang nakasanayang routine.
Samantala, hindi kagulat-gulat ang choice ng Sao Pedro de Alcantara penitentiary.
Noong panahon ng ancient Rome, may ambag ang mga gansa para iligtas ang Capitoline Hill, isang tanyag na fortress sa Rome.
Noong 390 BC, sa kalaliman ng gabi, palihim na lumusob ang mga mananakop na Gauls, Celtric group mula Europe.
Subalit hindi nila sinasadyang nagambala ang grupo ng mga gansa, na hindi tumigil sa pagputak nang maramdaman ang presensiya ng mga mananakop.
Dahil sa ingay, naalarma ang mga Roman soldiers at napigilan ang paglusob ng mga Gauls.
Most recently, ginamit din ang mga gansa sa pagbabantay ng border area sa Vietnam at China noong panahon ng pandemya.

