Aksidenteng nakalunok ng kutsara ang isang Chinese man na nakilala lang sa tawag na Yan.
Ayon sa ulat ng South China Morning Post last June 28, 2025, naganap ang aksidente habang nagbabakasyon ang 29-anyos na si Yan sa Thailand noong January 2025.
Lasing siya noon, at ang buong akala niya ay isa lang panaginip ang nangyari.
Nitong June 2025, nakaramdam si Yan ng pananakit ng tiyan.
Nagpa-check up siya sa Shanghai Zhongshan Hospital.
Sabi niya sa mga doktor, ang duda niya ay nakalunok siya ng isang bagay na plastic habang kumakain ng take-out food kaya sumasakit ang kanyang tiyan.
Read: Man discovers ex-GF files marriage license without his consent
Doctors Find Spoon Lodged in Man’s Small Intestine
Nang lumabas ang resulta ng X-ray, nakita ang kutsara na may habang 15 centimeters.
Buong-buo ito.

Na-trap ang spoon sa kanyang duodenum—ang unang section ng small intestine.
Delikado ang posisyon ng spoon dahil posibleng mawarak nito bituka ni Yan.
Kung magagalaw daw iyon, mamamaga ang kanyang bituka at magkakaroon siya ng severe bleeding.
Read: Dad forbids daughter from live streaming: 'She’s too pretty.'
Man Realized He Actually Swallowed a Spoon and Wasn’t Just Dreaming
Sa puntong iyon na-realize ni Yan na ang nangyari sa kanya sa Thailand ay naganap sa totoong buhay.
Hindi siya nanaginip lang noon na nakalulon siya ng spoon.
Noong araw kasing naganap ang aksidente ay naparami ang nainom niyang alak at hindi naging komportable ang kanyang tiyan.
Ang ginawa niya habang nasa hotel room, sinundot niya ng coffee spoon na yari sa ceramic ang lalamunan para mapaudwa siya at magsuka.

Hindi niya inakalang mapapalalim ang pagkakasubo niya sa ceramic spoon, at nalulon iyon.
Matapos malulon, nawalan siya ng malay dahil sa sobrang kalasingan.
Nang magising kinabukasan, wala siya halos matandaan sa mga nangyari.
Pero naalala niyang nanaginip siyang nakalulon ng spoon.
Nakaramdam din siya ng pananakit ng tiyan, pero inisip niyang dahil lang iyon sa matinding pagsusuka niya noong gabi.
Matapos ang ilang araw, wala na siyang naramdamang anuman sa kanyang tiyan.
Read: Woman dies of caffeine overdose after ambulance arrives 7 hours late
SPOON SUCCESSFULLY REMOVED FROM MAN’S STOMACH
Sa loob ng anim na buwan matapos magbalik sa Shanghai, normal ang takbo ng buhay ni Yan.
Tuluy-tuloy lang siya sa kanyang work at workout.
Napilitan lang magpaospital si Yan nitong June nang hindi na niya makayanan ang sakit ng tiyan.
Matapos namang masuri si Yan, sinabi ng mga doktor na magiging masalimuot ang pagtatanggal ng ceramic spoon sa kanyang tiyan.
Pero kailangang isagawa ito dahil mas mapanganib kung hindi iyon matatanggal.
Read: Dog is saved moments before euthanasia in dramatic rescue
Last June 18 ay sumailalim si Yan sa endoscopic surgery.
Sa umpisa ay gumamit ang mga doktor ng snare forceps para makuha ang spoon sa kanyang tiyan.
Hindi iyon naging matagumpay dahil tama ang obserbasyon ng mga doktor na madulas ang surface ng ceramic spoon at mahirap masungkit.
Nagpasya ang director ng endoscopy center ng Zhongshan Hospital na gumamit ng kumbinasyon ng dalawang forceps para maitulak muna pabalik sa tiyan ni Yan ang spoon, at saka muling ginamitan ng snare tool para mabunot iyon.
Makalipas ang isang oras at kalahati, matagumpay na natanggal ng mga doktor ang spoon.
Nakalabas na si Yan sa ospital.
Nagpapasalamat pa rin daw siya na bagamat totoo ang panaginip at anim na buwang may kutsara siya sa bituka, nakapamuhay siya nang normal at nagawan ng paraan.
Read: Why is there a pink refrigerator in the middle of Namib Desert?
