Dalawa sa limang lalaking nagnakaw ng golden toilet noong 2019 ang nasentensiyahan ng ilang taong pagkakakulong.
Ang gintong inodoro na may bigat na 196 pounds ay yari sa 18 karat gold.
Noong naibalita ang krimen, nagkakahalaga ito ng $6 million o PHP340 million.
Fully functional ang golden toilet at naka-display noon sa Blenheim Palace sa Oxfordshire, England.
Katabi ito mismo ng kuwarto kunsaan isinilang ang former British prime minister na si Winston Churchill.
Pero ang golden toilet ay isang satirical symbol at strictly for art display.
Nahuli ang limang lalaking suspek, pero naunang naiulat na pito sila.
Hindi na nabawi ang golden toilet.
Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na pinagpira-piraso na ang gold at ibinenta.

Read: PHP340M inodoro ninakaw noong 2019
BURGLARS SENTENCED TO PRISON
Matapos ang halos anim na taon mula nang manakaw ang art piece, at mahuli ang mga salarin, nagbaba na ng desisyon ang korte.
Dalawa sa mga salarin ay nahatulang mabilanggo.
Una na rito si James Sheen, 40, isang roofer. Nag-plead siya ng guilty sa pagnanakaw, conspiracy, at transferring criminal property, ulat ng ABC News nitong June 13, 2025.
Sinentensiyahan siya sa Oxford Crown Court ng apat na taong pagkakakulong.
Nahatulan din si Michael Jones, 39, trabahador ni Sheen, ng dalawang taon at tatlong buwan.
Hindi binanggit sa report kung ano naman ang kinahinatnan ng tatlo pang natitirang suspek.
Read: Man wins PHP209M in lotto; loses girlfriend and the money
THE GOLDEN TOILET
Ang gintong toilet ay likha ng Italian artist na si Maurizio Cattelan, na kilala rin sa controversial artwork niyang saging na idinikit sa pader gamit ang duct tape.
Naging laman din ng balita ang six-million-peso artwork na ito dahil kinain ng estudyante ang saging nang i-display sa South Korea museum noong April 2023.
Samantala, taong 2016 nung dinala ang golden toilet sa Guggenheim Museum sa New York, USA.
Coincidentally, America rin ang ipinangalan sa art piece na sumisimbolo ng “excesses of affluence.”
Nang nakawin ang golden toilet sa England noong September 2019, sinabi ng mga awtoridad na gumamit ng puwersa para matanggal ito sa sahig.
Nang mahuli ang mga suspek, natagalan bago umusad ang kaso.
Taong 2023 nagsumite ng mga papeles ang mga pulis sa Crown Prosecution Service para masimulan na ang paglilitis sa mga suspek.
Napaulat din noon na nag-offer ng pabuyang $129,000 (PHP7.3 million) sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng golden toilet, subalit hindi na ito nahanap pa.
