Unang nakita ni Daniela Signor si Apollo Scariot sa lamay ng isa niyang namayapang kamag-anak noong April 2023.
Pareho silang residente ng Pinhalzinho, Sao Paulo, Brazil, pero hindi sila magkakilala.
Thirty-three years old si Daniela, habang 31 naman si Apollo.

Pareho silang single noon.
Na-love at first sight ang dalaga sa binata.
Alam niya sa sariling ito ang lalaking pangarap niya kaya nagdesisyon siyang gawin ang lahat para mapalapit kay Apollo.

Read: Woman shares shocking physical transformations during pregnancy
BRIDE ATTENDS WAKES TO GET THE ATTENTION OF UNDERTAKER
Si Apollo ay isang undertaker o funeral director, na siyang namamahala sa burial o cremation ng isang pumanaw.
Masyado itong focused sa trabaho kaya walang panahon para sa pag-ibig.
At sa kabila ng pagpapapansin ni Daniela kay Apollo sa lamay ng kanyang kamag-anak, walang naging epekto ito sa binata.
Hindi nawalan ng pag-asa ang determinadong dalaga.
Ang ginawa niya, tuwing may namamatay sa kanilang community at ang puneraryang pinamamahalaan ni Apollo ang nagse-service, “nakikiramay” siya.
Pero ang totoo, gusto lang niyang rumampa para makita siya at mapansin ng undertaker.
Ayon sa artikulong nalathala sa news website na The Jam last May 30, 2025, sinabi ni Daniela na inabot ng dalawang taon—at kung ilang memorial services—bago siya napansin ni Apollo.

Pagtatapat niya: “I don’t even like funerals.
“I used to think, ‘I’ll give the family a hug just so I can see him,’ you know?
“But he wasn’t always there.”
Wala namang kaalam-alam si Apollo na in love si Daniela sa kanya.
“I only told him later, when we finally started talking.
“Then he was like, ‘Wait, how did I never notice you before?’
“He was always so focused on work.”
Read: 200-year-old condom with erotic art on display in Dutch museum
UNDERTAKER NOTICES THE BRIDE, DATES AND MARRIES HER
Suwerte namang attracted din kay Daniela si Apollo.
Kaya mula nang ma-notice siya ng undertaker, naging madalas na ang kanilang pag-uusap.
Nauwi iyon sa dating.
Noong May 17, pinagtaling puso na ang dalawa.

At kakaiba ang pasabog ni Daniela nang dumating siya sa venue na pagdarausan ng kasal.
Nakasakay siya sa karo ng patay!
“Everyone at the wedding was shocked,” ayon sa bride.
Para hindi magulumihanan ang mga bisita, ani Daniela: “During our vows we explained everything.
“We read out our story.
“Then people understood why I arrived in the hearse.”
Sambit naman ni Apollo: “About the reaction and the buzz around our story, we never expected it.
“We decided to arrive in the hearse from my company because it’s part of our story, how we met.
“So, we were really surprised by the attention it got.”
At para kumpleto ang eksena, nang bumiyahe ang newlyweds papunta sa pagdarausan ng kanilang honeymoon, sa karo ng patay rin sila sumakay—na may nakasulat na: “Till death do us part.”
