Isang misis sa United Kingdom ang kumuha ng serbisyo ng private investigator na si Paul Jones.
Si Paul ay miyembro ng ARF Investigators at may mahigit isang dekada nang karanasan sa pag-iimbestiga.
Sa ulat ng Daily Mail noong Mayo 23, 2025, nagsimulang magsuspetsa ang misis na ang kanyang mister ay may kulukadidang.
WOMAN MONITORS FAMILY’S BRUSHING ACTIVITIES
Ayon kay Paul, tinuturuan ng kanyang kliyente na maging maayos sa brushing habit ang dalawang anak.
Dahil dito, pinapagamit sila ng electronic toothbrush, na kayang i-monitor ang brushing activities ng mga bata sa pamamagitan ng app na naka-link dito.
Ang siste, buong pamilya ang naka-connect sa app.
Minsan, naobserbahan ng misis na may gumagamit ng electronic toothbrush sa mga kakatwang oras.
Iyon ay kapag nasa school ang kanyang mga anak at nasa trabaho naman ang kanyang mister.

Nang matiyak ni misis na may nagtu-toothbrush talaga sa mga oras na walang tao dapat sa bahay, kinumpronta niya ang mister.
Tinanong niya kung nagtu-toothbrush ito sa nabanggit na oras.
Ang claim ng mister—hindi—at buong araw daw siyang nasa trabaho.
Read: Man never gives up on comatose wife; sings to her every day
WOMAN BECOMES SUSPICIOUS BECAUSE OF HUSBAND’S TOOTHBRUSHING
Pagbabahagi ni Paul, ang pagdududa ng misis sa mister dahil sa kakatwang brushing history nito sa app ay hindi nawala.
“Over time, the client noticed her partner’s brushing history was being logged at odd times.
“Times when he was supposedly at work.
“At first, it didn’t seem like much. Brushing late in the morning on Fridays didn’t raise immediate red flags.”

Gayunpaman, may nakita umanong pattern ang misis.
Ginagamit ang electronic toothbrush every Friday, tuwing umaga—ang oras na dapat ay talagang nasa trabaho ang mister.
Pero ilang buwan na itong walang pasok kapag Biyernes.
Read: Bed Cliff: Experience taking a rest at 320-foot cliff
WHAT THE INVESTIGATOR FOUND OUT
Sa pag-iimbestiga ni Paul, natuklasan niyang ang mister ng kanyang kliyente ay may karelasyon na kasamahan sa trabaho.
Ginagawa ng mga ito ang milagro sa mismong bahay ng mag-asawa dahil walang tao.
Hinahatid kasi ng misis ang mga anak sa eskuwela tuwing Biyernes.
Hinihintay niya sila hanggang uwian.
Kapag natiyak ng mister na wala na ang misis at mga anak, pinapupunta na nito sa bahay ang karelasyon.
At nagsesepilyo muna ang mister bago nila gawin ang milagro.
Read: Bank requires bedridden old woman to go to branch for biometrics
APP LOGS AND TIMESTAMPS of BRUSHING ACTIVITIES
Pagdedetalye ni Paul tungkol sa naka-log na data sa app ng electronic toothbrush, timestamped umano sila at naka-indicate din ang location.
“When a device says someone brushed their teeth at 10:48 a.m. when they were supposed to start work at 9:00 a.m., that’s very hard to explain away.”
Aniya, ang smart devices gaya ng voice assistants at electronic toothbrushes ay kayang mag-store ng mga impormasyong “incriminating.”
At kahit pa aniya mahusay magsinungaling o mandaya ang isang tao, maaari itong mabuko sa pamamagitan ng “innocent data.”
Read: Woman runs marathon in wedding dress in search of future husband
Hindi na nagbanggit si Paul kung ano ang nangyari sa marriage ng kanyang kliyente at ng mister nito dahil hanggang sa pag-iimbestiga lang ang trabaho niya.
Paalala niya sa mga partner na nagdududa, maging observant at maghanap din ng “digital cues.”
Payo niya, hindi lang ang text messaging at call logs ang obvious signs of cheating.
May iba pang signs na maaaring magbunyag ng lihim gaya ng electronic receipts.
Sa case ng kliyente ni Paul, sino ang mag-aakalang matutuklasan nito ang pagloloko ng mister sa pamamagitan ng app ng toothbrush activities ng pamilya?
Read: Korean YouTuber faces backlash in South Korea over breastmilk videos with Pinay moms
