PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bed Cliff: Experience taking a rest at 320-foot cliff

A natural high experience, literally.
by KC Cordero
Published May 23, 2025
Guests at Bed Cliff
Sa ganda ng mga tanawin, nauubos ang oras para mag-chill at magkuha ng photos at selfies. Ayon sa ilang nakaranas na nito, kahit sobrang taas ay hindi nakakatakot.

Kung mahilig kayo sa travel and adventure, eksakto sa inyo ang tourist attraction na ito sa China na nasa gilid ng mahigit 320-foot (97.5 meters) cliff.

Pinapayagan ang malalakas ang loob na magpahinga sa napakatayog na wooden bed.

Guest at Bed Cliff
Makikita sa larawan kung gaano kataas ang Bed Cliff. Photo: Paul Seaburn Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatagpuan sa Mangshan National Forest Park sa Chenzhou, tinatawag itong Cliff Bed Experience.

Inilunsad ito noong April 25, 2025 at nagke-cater para sa mga gustong mag-relax at pansamantalang makalimutan ang mga problemang hatid ng masalimuot na mundo, ayon sa ulat ng news website na Global Times last May 10, 2025.

Read: Bank requires bedridden old woman to go to branch for biometrics

WHO CAN AVAIL THE CLIFF BED EXPERIENCE

Hindi lahat ay pinapayagang maranasang mag-relax sa Cliff Bed.

Ang participants ay dapat nasa edad 14 hanggang 60.

Kailangang may kasamang adult ang mga edad 14 hanggang 18.

Bawal din ang mga may timbang na mahigit sa 220 pounds (99.79 kilos).

Kung ang height ay walang 4’ 6”—hindi rin puwede.

Required ding ang beywang ng guest ay may circumference na hindi lalampas sa 100 centimeters. Ito ay para matiyak na hindi malalagay sa kompromiso ang mga gagamiting safety gears.

Bago ihatid sa Cliff Bed sa pamamagitan ng cable car, ang guest ay kailangan munang mag-fill out ng form para matiyak na angkop ang kanyang edad at pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan ding ipaalam ng guest kung mayroon itong anumang pre-existing health conditions, partikular ang heart disease o hypertension.

At bago aprubahan ang form, dapat mag-present ng valid ID.

Ang guest ay sasamahan ng professional guide para matiyak ang kaligtasan.

Ito na rin ang magsisilbing photographer ng guest.

Read: Woman runs marathon in wedding dress in search of future husband

HOW MUCH IS FOR THE CLIFF BED EXPERIENCE

Para ma-experience ang Cliff Bed, ang guest ay kailangang magbayad ng 98 yuan o PHP752.20, ayon sa ulat ng China National Radio.

Puwede siyang mag-stay roon sa loob ng isang oras at kalahati.

Guest cuddling the pillow
Forda experience talaga ang stay sa Bed Cliff. Photo: Global Times
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Cliff Bed ay may wooden slats, maliit na double air mattress, kumot, at unan.

Required ang guest na gamitin ang harness na naka-clip sa cliff.

May espasyo rin na mapaglalagyan ng drinks at sapatos.

Provided naman ang guest ng libreng kape.

Read: Why turkey eggs aren’t sold in stores

BED CLIFF NOT MEANT FOR SLEEPING

Dahil isang oras at kalahati lang ang stay sa Bed Cliff, hindi nakakatulog dito ang guest.

Sa ganda ng mga tanawin, nauubos ang oras para mag-chill at magkuha ng photos at selfies.

Ayon sa ilang nakaranas na nito, kahit sobrang taas ay hindi nakakatakot.

Mula nang magbukas ito, mahigit 400 guests na ang naka-experience ng kakaibang adventure.

Ang Bed Cliff Experience ay sumusunod sa mga itinakda ng Via Ferrata safety standards.

Suspendido naman ang operasyon nito sa mga panahong malakas ang hangin, tag-ulan o kaya ay tagyelo.

Read: Korean YouTuber faces backlash in South Korea over breastmilk videos with Pinay moms

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa ganda ng mga tanawin, nauubos ang oras para mag-chill at magkuha ng photos at selfies. Ayon sa ilang nakaranas na nito, kahit sobrang taas ay hindi nakakatakot.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results