PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Parrot witnesses crime; mimics murder victim’s last words

It led to the suspect's arrest.
by KC Cordero
Published May 9, 2025
Bud the parrot
Ginaya ng African grey parrot, na nagngangalang Bud, ang mga huling salita ng biktima, na naging daan para maaresto ng mga pulis ang may kagagawan ng krimen. (Photo: Duram Family)

Noong Mayo 12, 2015, binaril at napatay ni Glenna Duram ang mister na si Marty sa kanilang tahanan sa Michigan, USA.

Nagtamo si Marty ng limang tama ng bala.

Nagbaril din sa sarili si Glenna.

The couple Marty and Glenna Duram
Isang lumang larawan ng mag-asawang Marty at Glenna Duram. Photo: Duram Family

Nang dumating ang mga pulis sa tahanan ng mga Duram, naabutan nilang buhay pa ang babae at naisugod sa ospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-survive si Glenna.

Ang dalawa ay 11 years nang kasal.

Nang maganap ang krimen, 48 years old si Glenna at 46 si Marty.

Read: “Marites” na kapitbahay, naging susi sa pag-rescue sa 3 bata

WIFE DENIES KNOWLEDGE OF CRIME

Sa ulat ng website na LADbible noong Abril 23, 2025, ang salaysay ni Glenna sa mga pulis ay hindi niya kilala ang bumaril sa kanilang mag-asawa.

Ang unang pagtaya ng mga imbestigador ay kaso ng double murder ang nangyari sa mga Duram, lalo pa at nagtamo rin ang babae ng gunshot wound sa ulo malapit sa tainga, bagaman at nakaligtas ito.

Nagsagawa ng mas malalimang imbestigasyon ang pulisya.

Natuklasan nilang maraming ginawang suicide notes si Glenna para sa kanyang pamilya.

Lubog sa utang ang mag-asawa.

Napag-alamang nalulong sa sugal ang babae kaya nagka-problemang pinansyal ang mag-asawa.

Lumabas sa imbestigasyon na napakalaki na ng kanilang pagkakautang, at dagdag dito, maiilit na rin ang kanilang bahay at lupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tiny dog lost on Australian island survives 529 days in the wild

INVESTIGATION POINTS TO WIFE AS SUSPECT

Sa police records, noong Abril 28, 2015, dalawang linggo bago ng krimen, nakatanggap sina Marty at Glenna ng foreclosure papers.

Ang kanilang bahay na nasa Sand Lake ay nakatakdang i-auction ng sheriff’s office sa mismong araw na naganap ang pamamaril.

Dahil dito, natuon ang atensyon ng pulisya kay Glenna at ang posibilidad na siya mismo ang bumaril kay Marty.

Itinanggi iyon ng babae.

Aniya, nang tanungin ng mga imbestigador, hindi niya kayang patayin ang mister.

“I wouldn’t shoot my husband.

“I’d be better off divorcing him and leaving him.”

Sinabi rin ni Glenna na hindi na niya matandaan ang mga nangyari noong araw na maganap ang krimen, ngunit iginiit niyang hindi niya pinatay si Marty.

Read: Man accidentally buys back his previously stolen car

VIDEO OF PARROT REVEALS INTRIGUING FACTS

Noong Mayo 2016, isang taon matapos mapatay si Marty, wala pa ring naaaresto at nakakasuhang suspect ang mga pulis.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa panahong ito, ibinigay naman ni Christina Keller sa isang local TV reporter ang videotape ng isang parrot, ayon sa ulat ng news website na The Detroit News.

Si Christina ay ex-wife ni Marty, at mayroon silang tatlong anak.

Sa video na may habang dalawang minuto, makikita ang parrot na si Bud na nasa labas ng hawla at nagsasalita.

Bud the pet parrot
Ang alagang parrot ni Marty na si Bud. Photo: Duram Family
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginagaya ng ibon ang palitan ng pag-uusap ng dalawang taong nasa isang argumento.

Ang mga sinambit ni Bud: “Shut up!

“Get your [expletive] over here!”

Pagkatapos ay sinabi rin ng parrot ang mga katagang, “Don’t [expletive] shoot!”

Read: Snake falls on woman’s head; lands in her wine

BACKGROUND OF BUD THE PARROT

Ayon kay Christina, kinunan niya ang video isang buwan matapos mapatay si Marty.

Si Marty ang talagang may-ari kay Bud noong sila pa ni Christina.

Naiwan ito sa kanyang mister nang maghiwalay sila dahil mas sanay si Marty mag-alaga ng mga hayop.

Kinuha lang ni Christina ito noong wala na si Marty.

Naalarma raw si Christina sa mga naririnig kay Bud kaya kinunan niya ito ng video habang nagsasalita.

Sa loob ng 11 buwan, wala raw siyang pinagsabihan tungkol dito.

Pero malakas ang kutob niyang nasaksihan ng parrot ang pagtatalo nina Marty at Glenna—at na-retain iyon sa memory ng ibon na lagi nito ngayong binibigkas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang tiyuhin naman ni Marty ang nagpatunay na matalas talaga ang memorya ni Bud. Lagi nga raw nihang nasasaksihan ang pagtuturo ni Marty kay Bud ng mga salita.

Nang tanungin si Christina ng mga reporters kung bakit nagdesisyon siyang ibahagi sa media ang video ni Bud, sinabi nitong umaasa siyang makuha nito ang interes ng publiko at mapilitan ang mga pulis arestuhin si Glenna.

Read: Goodbye, noisy kapitbahay! Sound Screw could be the solution!

PARROT CAN’T BE CONSIDERED A WITNESS; VICTIM’S WIFE ARRESTED

Nang lumaganap sa media ang video ni Bud, nabuhay ngang muli ang interes ng publiko sa kamatayan ni Marty.

Tatlong linggo matapos ibunyag ni Christina ang video, inaresto ng pulisya si Glenna.

Itinanggi naman ni Newaygo County Prosecutor Bob Springstead na dahil kay Bud kaya napabilis ang ginawang pag-aresto.

Photo of Glenna Duram
Matapos lumutang sa media ang video ni Bud, inaresto na ng mga pulis si Glenna. Photo: Duram Family
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero marami raw natutunan ang county prosecutor tungkol sa mga African grey parrots na gaya ni Bud. Na-curious na ito sa kakayahang magsalita ng naturang bird species at sa pagkakaroon nila ng retentive memory.

Bagaman at naging instrumental si Bud para tuluyang ikonsidera ng pulisyang suspect si Glenna at arestuhin ito, tiniyak naman ng county prosecutor, nang tanungin ito ng local media, na hindi gagawing witness ang parrot.

Sagot nito, paano raw tatawagin si Bud sa witness stand?

“For one thing, how would you swear him in?

“Are you raising a wing? A foot?”

Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog

ADDITIONAL EVIDENCE SURFACES, VICTIM’S WIFE FOUND GUILTY

Sa loob ng 19 buwan ay nagkaroon ng mas malalimang imbestigasyon sa kaso.

Natagpuang nakasingit sa sofa nina Marty at Glenna ang ginamit na armas sa krimen—isang Ruger Single-Six.

Sa forensics na isinagawa sa smartphone ni Glenna, natuklasang ginamit niya ito ng limang beses para mag-research ng tungkol sa Ruger Single-Six, isang araw bago naganap ang krimen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Hulyo 2017, nahatulan ng jury si Glenna ng guilty sa pagpatay kay Marty.

Pinatawan siya ng korte ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Iniapela ng kanyang kampo ang desisyon ng korte.

Noong Pebrero 1, 2024, ibinasura ng Eastern District Court of Michigan, Southern Division, ang petisyon ni Glenna.

Nananatiling nakapiit si Glenna sa Huron Valley Women's Correctional Facility sa Ypsilanti, Michigan.

Si Bud naman ay nasa pangangalaga pa rin hanggang ngayon ni Christina.

Read: Ferrari burns down: 10 years of man's savings, gone in 20 minutes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginaya ng African grey parrot, na nagngangalang Bud, ang mga huling salita ng biktima, na naging daan para maaresto ng mga pulis ang may kagagawan ng krimen. (Photo: Duram Family)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results