PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Snake falls on woman’s head; lands in her wine

“I was traumatized.”
by KC Cordero
Published Apr 29, 2025
The snake that landed into woman's wine
Sobra ang naging takot ng babaeng customer ng isang restaurant nang may bumagsak na ahas sa kanyang ulo. Dahil sa karanasan, sinabi niyang na-trauma siya at matatagalan bago siya lalabas muli. (Photo: Screenshot at WRIC)

Kumakain si Carletta Andrews noong April 16, 2025 nang maganap ang isang hindi niya inaasahang insidente.

Kasama niya noon ang kanyang mister sa Patron Mexican Restaurant and Cantina na nasa Henrico County, Sandston, State of Virginia, U.S.A.

Naubos na ni Carletta ang kanyang pagkain at kasalukuyang ine-enjoy ang kanyang margarita nang maramdaman niyang parang may kung anong bumagsak sa kanyang ulo.

Aniya sa panayam ng media outlet na WRIC-TV: "I leaned in to take a sip and I noticed something hit me on the forehead and I looked at my husband like, 'What was that?'

"When I turned around, I saw the snake in my margarita!”

At sa pagkahindik umano ni Carletta: "It was moving!

“It started wrapping around my straw!"

Read: Two-year-old boy lost in wilderness rescued by rancher's dog

BABY SNAKE LANDS IN WOMAN’S WINE

Pagbabahagi pa ni Carletta, matapos tumama ang ahas sa kanyang ulo, diretsong nag-shoot iyon sa kopita ng iniinom niyang margarita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maliit pa lang iyon at nahinuha niyang isa itong baby snake.

Agad nitong nilingkis ang ginagamit niyang straw sa pagsipsip sa alak.

The snake that landed in the glass of wine
Ang baby snake habang nililingkis ang straw sa kopita ng alak ng babaeng customer. Photo: Screenshot at WRIC

Ani Carletta, sinubukan ng crew ng restaurant na maalis sa kopita ang baby snake gamit ang isang stick, pero hindi sila nagtagumpay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I kept saying, ‘Please don't let it go in my purse!’” Hanggang isang customer ang kinuha ang mismong kopita at dinala sa labas ng restaurant para maitapon ang baby snake.

Read: Ferrari burns down: 10 years of man's savings, gone in 20 minutes

WOMAN TRAUMATIZED BY BABY SNAKE EXPERIENCE

Matapos mailabas ang baby snake, nag-offer kay Carletta ang management ng restaurant na ililipat silang mag-asawa sa ibang table.

Pero tumanggi siya dahil ang gusto niya ay makaalis na agad doon.

"I left shaking, I was traumatized. It was definitely a shock."

Ipinaliwanag naman ng restaurant owner na posibleng nakapasok ang baby snake sa pamamagitan ng air conditioning vent.

Napag-alamang ang naturang restaurant ay may mga nauna nang health inspection violations kabilang ang amag, mga sirang handles, sirang ceiling tiles, at tumutulong kisame.

Naisaayos na ng restaurant ang mga violations na ito, pero ang pinakahuling insidente ay nagdulot ng maraming katanungan kung maayos ba talaga ang maintenance nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para naman kay Carletta, dahil sa naging traumatic experience ay tiyak na matatagalan pa umano bago siya muling kumain sa labas.

Read: 100-year-old tortoise becomes a first-time mother

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sobra ang naging takot ng babaeng customer ng isang restaurant nang may bumagsak na ahas sa kanyang ulo. Dahil sa karanasan, sinabi niyang na-trauma siya at matatagalan bago siya lalabas muli. (Photo: Screenshot at WRIC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results