PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Woman named November June Brown, but her birth month is August

People think her name is fake.
by KC Cordero
Published Apr 11, 2025
Photos of November June Brown
Marami ang hindi naniniwalang November June Brown ang tunay niyang pangalan lalo pa't August ang buwan ng kanyang kapanganakan. (Photos: @writesofnovember on Instagram)

Noong ipinanganak si November June Brown, nagdesisyon ang kanyang ina na ipagpatuloy ang family tradition na pangalanan ang bawat miyembro ng pamilya mula sa buwan ng kalendaryo.

Ang pangalan ng lola ni November ay June.

April naman ang kanyang ina.

Ang kanyang kapatid na babae ay Hayley December.

Pero kahit isinunod sa buwan ng kalendaryo ang kanilang mga pangalan—ang kanilang birthdays ay hindi pumapatak sa corresponding months.

Photo of November June Brown
Kahit November June ang kanyang pangalan, August ang kanyang birthday. Photo: @writesofnovember on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Month of August ang birthday ni November.

Ang kanyang inang si April ay January ipinanganak.

Ang kanyang lolang si June ay April ang birthday.

At nang isilang ang kapatid niyang si Hayley December ay buwan naman ng November.

Read: Zach Yadegari: Millionaire at 18, rejected by top universities

PEOPLE's reaction to NOVEMBER JUNE BROWN’S NAME

Sa artikulong nalathala sa news website na New York Post last April 8, 2025, sinabi ni November na dahil sa kanyang kakaibang pangalan, madalas siyang mapasuong sa mga nakakatawang sitwasyon.

Kadalasan, hindi naniniwala ang mga tao na iyon talaga ang kanyang pangalan. Hindi naman siya nababahala rito.

At kapag kailangan niya ng conversation starter, ipinapakilala niya ang sarili.

“Sometimes people will think that my ID is fake when I go to the bar.

“It is always fun to prove people wrong in that way.”

Read: The life of Meen: From street sweeper to model, brand ambassador

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW THE TRADITION STARTED IN NOVEMBER JUNE BROWN’S FAMILY

Isang writer and content creator si November, na taga-Madison, Wisconsin.

Pagbabahagi niya, nagandahan ang kanyang ina sa pangalang November kaya iyon ang ibinigay sa kanya.

Dagdag pa niya, “And she wanted to carry on the unique tradition started by my grandma.”

November June Brown's mom and grandmom
Ang lumang larawan ng ina ni November June na si April habang karga ng kanyang lolang si June: Photo: @writesofnovember on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinagbubuntis pa lang siya ng ina ay desidido na itong mula sa kalendaryo ang ipapangalan sa kanya.

Pero kinailangan pa raw kumbinsihing mabuti ang kanyang ama, na nag-alalang baka maging tampulan ng tukso ang anak dahil sa kanyang pangalan.

Eventually, pumayag na rin ang kanyang ama.

Ang advantage ng kanyang pangalan, “Nobody ever misspells it or mispronounces it as it is a month of the year.”

Read: Woman finds real dad thru his old photo, love note to her mom

NOVEMBER JUNE BROWN IS INCLINED TO CONTINUE THE TRADITION

At habang lumalaki siya, hindi naman nabu-bully si November June, gayundin ang kapatid na si Hayley December.

Pero madalas siyang biruin sa school dahil dito.

Kinakantahan siya ng kanyang mga kalaro at kaklase ng “Happy birthday” tuwing November 1 dahil inaakala ng mga ito na iyon ang petsa ng kanyang kaarawan.

Pagsapit ng August—na kanyang birth month—wala namang bumabati sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag nasa party siya at nagpakilala, sasabihin ng mga bisita na nagbibiro lang siya.

Para lang maniwala ang mga ito, kailangan niyang magpakita ng valid ID.

At dahil isa siyang writer, “People think November June Brown is my pen name.”

November June Brown with her sister and mom
Si November Brown (R) kasama ang kapatid na si Hayley December (L) at inang si April (C). Photo: @writesofnovember on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pang anak si November pero balak niyang ituloy ang family tradition.

“It would be fun to carry the tradition on, what a cool thing to do.

“I think November is a pretty name for a girl, and October is great for a boy.”

Read: Best friends have exchanged the same birthday card for 81 years

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang hindi naniniwalang November June Brown ang tunay niyang pangalan lalo pa't August ang buwan ng kanyang kapanganakan. (Photos: @writesofnovember on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results