PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AMAZING! This 19-foot bridge connects Spain and Portugal

"World’s smallest international bridge"
by KC Cordero
Published Mar 19, 2025
The rustic Marco International Bridge
Sa pamamagitan lang ng ilang hakbang, mula Spain ay makakatawid ka na sa Portugal—and vice versa—dahil sa Marco International Bridge, ang "world's smallest international bridge." Sa maiksing pagtawid, nasa ibang time zone ka na rin. (Photo: Screenshot at Portugal visto do Ceu on YouTube)

Ang Marco International Bridge ay isang maliit, maikli at rustic na tulay.

Pero napakalaki ng purpose nito.

Ito ang nagkokonekta sa El Marco, isang Spanish village, patungo sa Varzea Grande, na isa namang Portuguese village.

Marco International Bridge from another angle
Ang pagtawid sa Marco International Bridge ang pinakamabilis na paraan para makapag-travel mula Spain patungong Portugal—and vice versa. Photo: Porto Secreto
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa ilalim nito ang mahabang Abrilongo stream.

Ang Marco International Bridge ang itinuturing na world’s smallest international bridge.

Gayunpaman, hindi pa ito official na kinikilala sa ngayon ng Guinness World Records.

Read: Harvard University offers 122 online courses for free

THE WONDERS OF CROSSING THE MARCO INTERNATIONAL BRIDGE

Ang Marco International Bridge ay yari sa kahoy.

May haba itong 19 feet (6 meters), at lapad na 4.7 feet (1.45 meters).

The Marco International Bridge
Yari lang sa kahoy ang Marco International Bridge. Hindi pinapayagang tumawid dito ang four-wheel vehicles. Photo: Atlas Obscura
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung titingnan, sa pagtawid sa Marco International Bridge ay parang babagtas lang sa maliit na ilog na nasa Western Europe—pero hindi.

Kapag tumawid sa maliit na tulay na ito—hindi lang nag-cross mula sa isang bansa patungo sa ibang bansa.

Ang tumawid sa kabila ay nagpalit din ng time zones!

Ang Spain kasi ay gumagamit ng Central European Time (CET/CEST), samantalang sinusunod naman ng Portugal ang Greenwich Mean Time (GMT/BST).

Ang Central European Time ay advance ng isang oras sa Greenwich Mean Time.

Kung tutuusin, ang pagtawid sa Marco International Bridge ang pinakamadaling paraan ng time-traveling.

Read: Vegetable Orchestra plays instruments made from veggies

WHY MARCO INTERNATIONAL BRIDGE WAS BUILT

Ang Marco International Bridge ay itinuturing bilang isang “improvised pier” noong unang panahon.

Dito nagaganap noon ang kalakalan sa pagitan ng mga smugglers mula sa Spain at Portugal.

Sa pamamagitan ng Schengen Agreement, ang pagtawid sa pagitan ng dalawang EU countries ay naging libre at madali para sa lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Schengen Agreement ay isang treaty o kasunduan na naging daan para malikha ang Schengen Area ng Europe.

Nilagdaan ito noong 1985 sa Schengen, Luxembourg.

Sa ilalim nito, tinanggal na ang pagtse-check sa mga dumaraan sa internal borders ng Europe.

Dahil dito, hindi na kailangang mag-smuggle ng mga produkto dahil malaya na ang pagtawid ng mga traders.

Noong 1996, tuluyan nang nahinto ang illegal trade na isinasagawa ng mga merchants sa Marco International Bridge.

Read: Tiny hotels built to save solitary bees!

THE MARCO INTERNATIONAL BRIDGE NOW

Ang kasalukuyang porma ngayon ng Marco International Bridge ay itinayo noong 2008.

Ipinaayos naman ito gamit ang community funds.

Dahil sa liit ng sukat at materyales nito, ang nakatatawid lang sa Marco International Bridge ay mga pedestrians, at two-wheel vehicles gaya ng bisikleta at motorsiklo.

Bukod sa pagiging tawiran ng mga locals na nagbibiyahe mula sa El Marco at Varzea Grande, ang Marco International Bridge ay isa ring sikat na tourist destination.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: CHECK THIS OUT: Binangi, a house built without nails, steel

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pamamagitan lang ng ilang hakbang, mula Spain ay makakatawid ka na sa Portugal—and vice versa—dahil sa Marco International Bridge, ang "world's smallest international bridge." Sa maiksing pagtawid, nasa ibang time zone ka na rin. (Photo: Screenshot at Portugal visto do Ceu on YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results