Bumili si John, 45, ng Range Rover 2024 SV Edition One noong December 13, 2024.
Residente si John ng Warwickshire, United Kingdom.
Sa isang car dealership sa siyudad ng Coventry siya nakabili ng limited-edition car, na nasa 550 units lang ang ni-release.
Ang presyo ay US$227,000 o PHP13,311,620.34.
Kabilang sa features ang apat na graphite wheels na nagkakahalaga ng PHP720,135.30.
Mga gulong pa lang nito ay makakabili na ng isang bagong maliit na kotse sa Pilipinas.
Marangya rin at high-tech ang interior nito.
Ang mga upuan ay nagba-vibrate kapag nagpatugtog ng music sa loob ng sasakyan.
Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic
SUV NANAKAW AGAD
Aware si John na tawag-pansin ang kanyang bagong sasakyan.
Sa UK ay patuloy na tumataas ang insidente ng pagnanakaw ng mga luxury vehicles.
Pero aniya, sinabi sa kanya ng dealership na ang kanyang biniling sasakyan ay may taglay na bagong Jaguar Land Rover (JLR) security upgrade—kaya hindi ito kayang nakawin.
Read: Woman runs full marathon daily in 2024; sets new world record

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real
Gayunpaman, 60 hours matapos niyang mabili ang sasakyan, nanakaw ito sa kanyang driveway.
Ang insidente at ang video ng pagnanakaw ay ini-upload ng news website na MailOnline last January 27, 2025.
Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby
SUV MAY “UNSTEALABLE” FEATURE
Sa panayam ng local media kay John matapos niyang iulat ang pagkawala ng kanyang “unstealable” na sasakyan, sobra raw ang tiwala niyang safe na safe ito sa nakaw.
Nag-request pa nga raw siya sa dealership staff na mag-install ng Ghost Immobiliser, isang app kung saan kailangan ang password para ma-i-start ang makina.
Sabi umano ng mga ito sa kanya ay hindi na iyon kailangan.
Ani John, ang mismong pagtitiyak sa kanya ng dealership staff: “No one’s taking this car."
Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF
UNSTEALABLE CAR 15 MINUTES LANG KINALIKOT NG MGA MAGNANAKAW
Paano nanakaw na ang kanyang unstealable car?
Dalawang araw matapos niyang maiuwi ang bagong Range Over, nagising siya na may maraming missed calls sa tracking company ng sasakyan.
Pagsilip niya sa kanyang bintana, wala na sa driveway ang Range Rover.
Nang i-review ang CCTV footage, nakita niyang tatlong lalaki ang bumaba sa isang kotse bandang ala una ng madaling araw.
Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier

Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment
Dalawa rito ang lumapit sa kanyang SUV, habang ang isa pa ang nagsilbing lookout.
Walang lumapit sa kanyang bahay.
Pero nabuksan ng mga ito ang SUV, at makalipas ang 15 minuto ay napa-start at natangay.
Ani John, “They did not come near to the house with a scanning device to get a key signal.
“Whatever they did was more sophisticated than this—they didn’t need one.”
Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978
UNSTEALABLE CAR, NOT AS GOOD AS ADVERTISED
Nananatiling palaisipan para kay John kung paano nanakaw ng tatlong lalaki ang kanyang unstealable luxury Range Rover.
Ni hindi binasag ng mga ito ang salamin para makapasok sa loob.
Pero naniniwala siyang dahil sinadya ng mga ito ang kanyang lugar, kumpiyansa silang magtatagumpay silang nakawin iyon.
Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk
Naghain na ng reklamo si John sa Jaguar Range Rover.
Ang nangyari sa kanya ay “catastrophic failure of the security system advertised as state-of-the-art.”
Sumbat niya, hindi naman totoo ang claim ng kumpanya.
Ang masaklap lang, batay sa report ng local media, sinabi ng kumpanya na hindi nito ikokonsidera ang pagre-review ng anumang claims of responsibility na inihain ni John.
Paliwanag ng kumpanya, ang car theft ay isang panganib na laging kinakaharap ng sinumang may sasakyan.
Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models
