May panawagan ang Chinese social media influencer na si Zhu Miaolin—mas kilala bilang si Ah Miaomonline.
Sa kanyang mga kaibigang lalaki, dapat daw magsuot ng “Adam’s apple bra," na para sa kanya ay posibleng maging simbolo rin ng women's empowerment.
Read: “Pusta de Peligro” campaign for responsible gaming launched

Read: Kabayani Kita commercial conveys lessons we all need to learn
Ang kanyang panawagan ay kasunod ng paglabas ng resulta ng National Census sa China na nagpapakita ng malaking gender imbalance.
Sa naturang census, natuklasang may mahigit na 34.9 milyong kalalakihan sa naturang bansa kumpara sa mga babae.
Resulta ito ng ilang dekada nang ipinatutupad na one-child policy.
Tinataya namang may kabuuang 1,419,321,278 ang population ng China.
Read: CHECK THIS OUT: Puchicalator, world’s shortest escalator
WHY MEN SHOULD WEAR ADAM APPLE'S BRA
Popular si Ah Miao sa Chinese social media, kung saan meron siyang mahigit 500K followers.
Bakit nga ba gusto ni Ah Miao na magsuot ng Adam’s apple bra ang mga kalalakihan?
Laganap kasi ang gender inequality sa China.
Sa larangan ng edukasyon, labor force participation, and reproductive health, lamang daw ang benepisyo ng mga kalalakihan.
Mas kinikilingan din ang pagkakaroon ng anak na lalaki.
Ito ang dahilan kaya maraming ina ang dumaranas ng psychological pressure and health risks mula sa sex-selected abortions.
Read: Filipino student’s invention, finalist in T.H.E. Awards Asia 2025
Mas maikli rin ang oras ng kababaihan sa pagtatrabaho kaya mas maliit daw ang suweldo.
Ang gender inequality ay isa rin sa malaking rason kung bakit ang majority ng Chinese young women ay ayaw nang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya.
Para kay Ah Miao, ang pagsusuot ng mga kalalakihan ng Adam’s apple bra ay isang innovative way para ma-empower ang mga kababaihan sa kanyang bansa.
Aniya, gaya ng women’s breasts, ang Adam’s apple ay delicate at sensitive area para sa mga lalaki at dapat protektahan.
Kilala si Ah Miao sa pagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan sa China.
At sa naisip niya, maipapakitang patas lang dapat ang babae at lalaki.
Read: Man locks head in cage to quit smoking
CONTENT NG INFLUENCER NAKATUON SA GENDER ROLE REVERSAL CONCEPT
Ang kanyang videos ay kadalasang nagpapakita ng point of view ng mga kababaihan.
Ang ganitong gender role reversal concept, kung saan ang mga babae ang breadwinners at ang mga lalaki ang in charge sa mga gawaing bahay, ay karaniwan na sa art and literature.
Read: Singapore opens ASEAN scholarship for Filipino students
Sa isang video, makikita si Ah Miao na may hawak na cotton bud at hinitit iyon na parang sigarilyo saka niya tinapik ang kanyang tiyan.
Sinigawan din niya ang lalaking umaakto bilang boyfriend niya na naglilinis ng bahay.
Singhal niya rito: “If you cannot give me a daughter, go back to your father’s house!”
Sa isa pang video ay nilait naman niya ang nakasalubong na guwapong lalaki at tinanong ito kung saan ito papunta para mang-akit na naman ng mga babae.
May video rin kung saan nasa isang bar si Ah Miao at nakikipagharutan sa mga guwapong lalaki habang malungkot na naghihintay sa kanya sa bahay ang umaakto bilang mister niya.
Read: Bicol cop responsible for nabbing notorious criminals promoted
THE “SEXUAL APPEAL” OF ADAM’S APPLE BRA
Positibo naman ang naging panawagan ni Ah Miao na magsuot ang mga kalalakihan ng Adam’s apple bra.
Isang netizen ang nagsabing may “sexual appeal” iyon.
Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic

Read: Iloilo City taxi driver returns backpack with PHP2.4M cash
Paliwanag ng netizen, “If women wear bras to protect their genitals, why shouldn’t men?
“The Adam’s apple bra is for them.”
Laging viral ang mga videos ni Ah Miao—at karamihan dito ay nakakakuha ng milyun-milyong likes.
Isang lalaking follower niya ang nagsabing nauunawaan niya nang lubos ang pagiging sarkastiko ng mga video ni Ah Miao.
Ayon dito, “I have never so deeply felt the anger, fear and helplessness of women harassed by some men.”
Read: Pinakbet and eggplant dishes shine at 2025 Talong Festival
ADAM APPLE’S BRA IS ACTUALLY SELLING
Sa ulat ng South China Morning Post last January 23, 2025, napag-alamang mabenta sa isang sikat na e-commerce platform ang Adam’s apple bras.
Read: Woman runs full marathon daily in 2024; sets new world record

Read: Cebu Pacific now offers direct flights to Sapporo, Japan
Ang presyo nito ay nasa PHP176 at gawa sa mga materyales na gaya ng wool, leather, and lace.
Bestseller ang isang korteng nguso ng baboy—na may mahigit 7,000 units sold.
Mabenta rin ang animal print.
But it remains to be seen kung magiging global fashion trend ito—o hanggang sa China lang.
