Ang escalator ay isa sa mga inventions na malaking tulong sa sangkatauhan.
Dahil dito, nakakaakyat at nakakababa sa mga palapag ng gusali nang hindi napapagod.
Pero tila walang ganitong purpose ang kinikilalang “world’s shortest escalator” ng Guinness World Records.
Read: Man locks head in cage to quit smoking

Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic
Tinatawag na “Petitcalator” o “Puchicalator,” (puchi-kareta in Japanese), ang kakaibang escalator na ito ay matatagpuan sa basement ng More’s Department Store sa Kawasaki City, Japan.
Pero mas itinuturing na tourist attraction ito kesa sa isang useful piece of technology.
Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real
WORLD’S SHORTEST ESCALATOR, BAKIT INILAGAY?
Nagagamit naman ang escalator na may sukat na 83.4 centimeters o 2.74 feet.
Kung tutuusin, wala talagang benepisyo ang sinumang sasakay rito kumpara kung gagamit na lang ng hagdanang katabi lang nito.
Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby
Pero bakit pa ito inilagay?
Nang magbukas ang More’s noong 1989, gusto ng mga designers ng department store na ikonekta ang underground level nito sa katabing Azalea underground shopping center.
Pero hindi naging perpekto ang alignment kaya nagdesisyon ang mga designers na maglagay ng conventional stairs at escalator.
Read: Rich man Roger Thiberville leaves PHP599M to namesake town

Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF
Napansin ng mga designers na may malaking concrete beam kung saan ilalagay sana ang motor ng escalator.
Pero hindi pala puwedeng bakbakin iyon.
Sa halip na huwag nang ituloy ang planong maglagay ng escalator, nagdesisyon ang mga designers na liitan na lang ito.
Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier
WORLD’S SHORTEST ESCALATOR, WALANG SILBI?
Ang kakatwa, hindi naman na-serve ng world’s shortest escalator ang purpose nitong ikonekta ang dalawang shopping centers.
Nakatatawa na pagkababa sa maikling escalator, may kasunod pa ring hagdan.
Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment

Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk
Noong 2016, ginawa naman itong upward escalator.
For what it’s worth—nananatiling hawak nito ang titulo mula sa GWR sa loob ng 30 taon.
Kapag may mga turista sa Kawasaki, pinupuntahan nila ang world’s shortest escalator para lang masabing na-experience nilang gamitin ito.
Read: Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers
