PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Man locks head in cage to quit smoking

Only his wife can open the cage.
by KC Cordero
Published Jan 24, 2025
Ibrahim Yucel with his head cage
Nagsuot si Ibrahim Yucel ng head cage para makaiwas manigarilyo. Epektibo ang kanyang naisip na paraan. (Photo: @PicturesFolder on Instagram)

Taong 2013, makalipas ang 26 years na paninigarilyo, nagdesisyon si Ibrahim Yucel ng Turkiye na tuluyan nang ihinto ang kanyang bisyo.

Nakakaubos kasi siya ng dalawang kaha ng kanyang paboritong brand sa loob ng isang araw.

Matagal na rin siyang nagplanong huminto sa paninigarilyo, pero hindi siya nagtagumpay.

Dahil alam ni Ibrahim na hindi ganoon kadaling mag-quit ang isang chain smoker, nag-isip siya ng kakaibang paraan.

Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic

Ibrahim Yucel wearing head cage
Si Ibarihim Yucel suot ang metal head cage. Photo: @PicturesFolder on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman runs full marathon daily in 2024; sets new world record

Gumawa siya ng head cage na yari sa copper wire at ini-lock doon ang kanyang ulo para hindi siya makapanigarilyo.

Ang motorcycle helmet ang pinanggalingan ng kanyang naisip na idea.

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

SMOKER'S SACRIFICES BECAUSE OF HEAD CAGE

Ibinigay ni Ibrahim ang susi ng copper head cage sa kanyang misis at anak na babae para hindi siya matuksong buksan iyon kapag inatake siya ng urge na manigarilyo.

Hindi kasya sa pagitan ng copper wire ang cigarette stick.

Hirap din siyang kumain at uminom.

Read: Meet Ash Xu: TV commercial director at 22

Ibrahim Yucel sipping water
Maging sa pag-inom at pagkain, nahirapan si Ibrahim Yucel dahil sa kanyang metal cage. @PicturesFolder on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby

Gumagamit siya ng manipis na straw para makasipsip ng tubig.

Isinisingit naman sa pagitan ng copper wire ang mga piraso ng crackers para makakain siya.

Sa kabila nito, naging determinado si Ibrahim.

Read: Rich man Roger Thiberville leaves PHP599M to namesake town

SMOKER’S TECHNIQUE GOES VIRAL

Ang kakaibang paraan ni Ibrahim para makaiwas manigarilyo ay naibahagi sa X ng user na may handle na @PicturesFolder noong November 8, 2024.

Ayon sa tweet, 42 years old siya nang gawin ang "extreme measure to quit smoking."

Ang tweet—na patuloy pa ring naibabahagi sa iba’t ibang social media platforms hanggang ngayon—ay mayroon nang 185.4K reactions at 2.3 replies.

Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF

Napag-alaman ding kahit sa paglabas ng bahay, suot ni Ibrahim ang copper head cage.

Ganoon siya kadeterminadong tuluyang maiwasan na ang paninigarilyo.

Sa mga hindi nakakaalam ng kanyang kuwento, takang-taka sila kung bakit may suklob siya sa ulo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga naghinala ring baka may sayad na siya.

Aminado ang misis ni Ibrahim na noong una ay nahihiya ito sa naging desisyon ng mister.

Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier

Ibrahim Yucel being attended to by his wife
Sinuportahan si Ibrahim Yucel ng kanyang misis sa kanyang determinasyon na maihinto na ang paninigarilyo. Photo: @PicturesFolder on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment

Pero kalaunan ay naunawaan nitong ginagawa iyon ng mister para mapangalagaan ang kalusugan.

Ang naging determinasyon ni Ibrahim ay naging paalala sa iba pang smokers na mahirap talagang ihinto ang paninigarilyo—at sa kaso ni Ibrahim, kailangan ng matinding sakripisyo.

Sa ulat ng World Health Organization, taun-taon ay umaabot sa walong milyong katao sa mundo ang namamatay sanhi ng iba’t ibang sakit na dulot ng cigarette smoking.

Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsuot si Ibrahim Yucel ng head cage para makaiwas manigarilyo. Epektibo ang kanyang naisip na paraan. (Photo: @PicturesFolder on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results