PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rich man Roger Thiberville leaves PHP599M to namesake town

The town will become debt free.
by KC Cordero
Published Jan 15, 2025
A marker in Thiberville
Inakala ng mayor ng Thiberville sa France na big joke lang na may manang matatanggap ang maliit na bayan nila mula sa isang estrangherong ni hindi pa nakarating sa kanilang lugar. Pero totoo pala. (Photo courtesy of TF1 Info)

Nagulat na lang ang mga lokal na opisyal ng Thiberville nang matuklasan na isang mayamang Parisian ang nagpamana sa kanila ng napakalaking halaga.

Ang Thiberville ay isang maliit na bayan na nasa Eure department sa Normandy— hilagang bahagi ng France

May kabuuang lawak ito na 7.98 square kilometers at populasyon na 1,773—mas marami pa ang mga residente ng isang barangay sa Pilipinas.

Tinatayang nasa US$10.2 million o PHP599,387,700 ang namana ng small town.

Bagaman at magaganda ang views sa Thiberville, walang maituturing na kamangha-mangha sa small town na ito.

Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF

The Saint-Taurin Church
Ang Saint-Taurin Church sa Thiberville. Photo: Screenshot at Roch Jaja
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier

Ang pangunahing atraksiyon dito ay ang Saint-Taurin Church.

Mayroon din ditong castle na itinayo noong late 19th century at isang ribbon factory na matagal nang hindi operational.

Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment

DONOR, NI HINDI NAKARATING SA SMALL TOWN

Ang nag-iwan ng napakalaking halagang para sa maliit na bayan ay nakilalang si Roger Thiberville.

Sumakabilang buhay na si Roger noong isang taon sa edad na 91.

Isa siyang mayamang meteorologist sa Paris.

Napag-alaman na dating may taniman ng ubas ang kanyang parents.

Wala siyang kamag-anak.

Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978

Ang dahilan kung bakit sa Thiberville niya ipinagkaloob ang kanyang kayamanan—ito ay dahil ang maliit na bayan ay kagaya ng kanyang last name.

Ni hindi nakarating kahit minsan si Roger sa lugar.

Ang tanging hiningi niyang kapalit ng kanyang pamana—ingatan ang mga abo ng kanyang labi sa isang local cemetery roon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk

MAYOR NG SMALL TOWN, INAKALANG BIG JOKE LANG ANG INHERITANCE

Bukod sa mga opisyal ng Thiberville, maging ang mga residente ng small town ay namangha nang malaman ang balitang nagmana sila ng malaking halaga ng salapi mula sa isang total stranger.

Sa ulat ng news website na LAD Bible last January 13, 2025, sinabi ng town mayor na si Guy Paris sa panayam niya sa isang radio station na napakalaki ng ipinamanang pera sa kanila ni Roger.

Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models

The mayor
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Ang alkalde ng small town. Photo: Screenshot at Actu.fr

Read: Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers

Akala niya ay isang joke lang iyon nang unang ipagbigay-alam sa kanya.

Sambit ng mayor, “Obviously the amount is beyond imagination.”

Limang beses aniyang mas malaki ito kaysa sa annual budget ng munisipyo.

Hindi pa aniya alam ng mga lokal na opisyal kung ano ang gagawin sa pera.

Dagdag ng mayor, “We’re not going to spend it all.

“We’re going to manage this dowry as we’ve always done with our municipal budget with prudence and responsibility.”

Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent

Una sa wish list ng mayor ang mabayaran ang utang ng munisipyo sa bangko na nagkakahalaga ng mahigit US$400,000 o PHP23,505,600.

Ginamit ang loan sa pagpapatayo ng bagong school building.

Plano rin ng lokal na pamahalaan na magpatayo ng public garden at mga palaruan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman kailangang magbayad ng small town ng inheritance tax kahit malaki ang natanggap nitong pamana batay sa French law.

Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inakala ng mayor ng Thiberville sa France na big joke lang na may manang matatanggap ang maliit na bayan nila mula sa isang estrangherong ni hindi pa nakarating sa kanilang lugar. Pero totoo pala. (Photo courtesy of TF1 Info)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results